KUWADERNO.COM

Different Genres.

One Name.

One Soul.

One Addicition.

KUWADERNO.COM

Different Genres.

One Name.

One Soul.

One Addicition.

Blog Post

Tagalog News: 23.6 milyong mag-aaral nagpatala ngayong SY 2020-2021; DepEd patuloy ang paghahanda

March 14, 2021 Uncategorized
(Photo from file)

LUNGSOD NG QUEZON Agosto 25 (PIA) — Sa pormal na pagbubukas ng eskuwela para sa taong 2020-2021 sa  Oktubre 5, 2020, umabot sa 23.6 milyon o 85% ang bilang ng mag-aaral ang nagpatala mula sa pampubliko at pribadong paaralan sa buong bansa kumpara noong isang taon

“Na-achieve na natin ang 96% ng ating enrollment sa public sector. Nag pick-up na din ang enrollment sa ating private sector [na umabot naman sa] 41% of total enrollees,” ayon kay Education Secretary Leonor Magtolis Briones sa online press conference nung Agosto 24.

Kasabay nito  ang ibayong paghahanda ang ginagawa ng kagawaran para sa mga guro, magulang at iba pang mga kasapi tulad ng ICT-based teaching gamit ang online platforms, psychosocial at mental health support, work schedules; online seminars at orientation para sa mga guardian; at online help-desks at webinars para sa publiko.

Inaasahan din ng Kagawaran ang pag-apruba ng karagdagang pondo mula sa gobyerno upang makapagpasahod sa para-teachers o community volunteers na magtuturo sa mga mag-aaral na hindi matutukan ng kanilang mga magulang sa mga resonableng kadahilanan.

Isasagawa ngayong ikalawang linggo ng Setyembre ang final dry run at simulation para sa distance learning ng mga mag-aaral.

“Ang mga bata at matatandang guro ay threatened by change… importanteng maibsan ang anxiety of change. Kailangan [namin sa Kagawaran] ang needs assessment mula sa mga guro kung ano ang mga kakulangan upang ma-upskill sila,” sabi ni Sec. Briones. (MTQ/PIA-IDPD)
 

source https://pia.gov.ph/news/articles/1051200

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: