KUWADERNO.COM

Different Genres.

One Name.

One Soul.

One Addicition.

KUWADERNO.COM

Different Genres.

One Name.

One Soul.

One Addicition.

Blog Post

Tagalog News: 153 MSMEs sa Occ Min, aplikante sa CARES Program ng DTI

March 14, 2021 Uncategorized
Sinabi ni Noli Lucero, tagapamahala ng Occ Min SB Corp, aabot sa P22.8 milyon ang kabuuang halaga na ipahihiram sakaling maaprubahan ang aplikasyon ng mga nabanggit na MSMEs. (VND/PIA Occ Min)

SAN JOSE, Occidental Mindoro, Hun. 24 (PIA) — May 153 Micro Small and Medium Enterprises (MSMEs) ng probinsya ang nagsumite ng aplikasyon para sa COVID-19 Assistance to Restart Enterprises (CARES) Program, ayon sa panlalawigang tanggapan ng Small Business Corporation (SB Corp), ang financing arm ng Department of Trade and Industry (DTI).

Sinabi ni Noli Lucero, tagapamahala ng Occ Min SB Corp, aabot sa P22.8 milyon ang kabuuang halaga na ipahihiram sakaling maaprubahan ang aplikasyon ng mga nabanggit na MSMEs.

“Pinakamababang halaga na inuutang ng ating mga lokal na negosyante ay P30,000 samantalang P500,000 ang pinakamalaki,” ani Lucero. Aniya, naipasa na ang mga kailangang dokumento sa kanilang head office para sa kaukulang credit review.

Ayon pa kay Lucero, ang CARES Program ay tulong ng pamahalaan sa mga maliliit na negosyo na naapektuhan ng mahigit dalawang buwang partial lockdown, dulot ng COVID-19 pandemic.

“Makakatulong ang mahihiram nilang halaga upang makapagsimulang muli. Maaaring gamiting pampa-sweldo sa kanilang mga manggagawa o pambayad renta,” saad pa nito. Aniya, bukod sa pinadali ang requirements para sa CARES Program, walang interes ang nasabing pautang, dahilan kung bakit dinagsa ng aplikasyon ang nabanggit na programa.

“Naglagay ng P1.7 bilyon ang ating pamahalaan sa CARES Program na inilaan naman sa mga MSMEs sa iba’t ibang lalawigan sa buong bansa,” paglalahad ni Lucero. Aniya, sa kasalukuyan ay pansamantalang tumigil muna ang kanilang tanggapan sa pagtanggap ng mga aplikasyon at hihintayin muna ang abiso ng DTI sakaling magkaroong muli ng pondo ang nasabing programa. (VND/PIA MIMAROPA)

source https://pia.gov.ph/news/articles/1045659

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: