KUWADERNO.COM

Different Genres.

One Name.

One Soul.

One Addicition.

KUWADERNO.COM

Different Genres.

One Name.

One Soul.

One Addicition.

Blog Post

SAP ayuda ipinatupad na sa Basilan

March 14, 2021 Uncategorized

ISABELA CITY, Basilan, May 14 (PIA) – Sa gitna ng protesta ng Probinsya ng Basilan sa anila’y kakarampot na alokasyon ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao o BARMM para sa ayuda sa mga taga-Basilan mula sa Special Amelioration Program (SAP), ipinagpatuloy pa rin nito ang pagpapatupad ng program kahit na iilan lamang ang makikinabang sa programa.
 
Ayon sa probinsya, may sa dalawamput-apat na milyong piso lamang ang nadownload o allocated sa Basilan na pag-hahatian pa sa labindalawa (12) nitong mga munisipyo at syudad o mahigit-kumulang na limang porsyento lang ng mga mahihirap ang mabibiyayaan.
 
Sa Lamitan city, ang kaisa-isang syudad sa Basilan-BARMM ay nagpamudmod na ng paunang SAP ayuda kamakailan sa siyam (9) sa apat-naput-limang (45) barangay kung saan may average na mahigit sa dalawampu (20) lamang ang mabibiyayaan ng ayuda.


 
Ikinalungkot man ng lokal na social welfare office, wala silang magawa dahil sa masyadong maliit na alokasyon.
 
Sa kanilang Facebook page, ipinahayag at ipinaliwanag ng Munisipyo ng Maluso ang sitwasyon ng SAP implementation sa kanilang lugar.
 
Ayon sa social media page, si Maluso Mayor Hanie Bud, kasama ang ibang mayors sa Basilan ay sumulat kay DSWD Secretary Rolando Joselito D. Bautista upang kompirmahin at iapela na taasan ang numero ng mga beneficiaries ng SAP sa Basilan. Subalit, sadyang hanggang doon lamang ang target na beneficiaries na ibinigay sa bawat munisipyo sa Basilan. Sa Maluso lamang, may sa mahigit apatnaraang beneficiaries na lamang mula sa mahigit na sampung libong mahihirap na households ang mabibigyan.


 
Sa ngayon pwersahan paring ipinapatupad ng mga Munisipyo sa Basilan ang napakaliit na ayuda sa SAP.
 
Samantala, may mga grupo at indibidwal pa rin ang nagbibigay ng relief goods at ibang ayuda sa mga kababayang naghihirap sa gitna ng covid-19. Ang lokal na radio station na DXNO-FM ay patuloy na tumutulong sa mga na estranded na mga indibidwal na nasa Basilan.
 
Ayon kay station manager, Richard Falcatan mahigit-kumulang na may sa dalawang daan (200+) na indibidwal na ang nabigyan ng ayudang relief goods ang DXNO. Nakapamigay rin sila ng electronic load sa may limang daan (500) na indibidwal na na-estranded hindi ang sa Basilan kundi mga taga-Basilan na naiipit rin sa ibang lugar. Limampu (50) hanggang isangdaang (100) piso na load ang naipadala nila. Maliban sa bigas at e-load nagbigay rin ng mga gatas para sa mga may mga batang inaalagaan. Nagpasalamat naman ang DXNO sa mga tumulong at nag-donate ng ayuda.
 
Samantala, patuloy pa rin ang pagbibigay ng ayuda at relief goods ang bawat munisipyo at syudad sa Basilan. Sa lamitan city, nasa 5th wave na sila sa pagbibigay ng 25 kilos na bigas sa kanilang 25,958 na nasasakupang household na nabigyan noong 1st wave.


 
Partikular na sektor ang nabiyayaan sa ayuda ng Lamitan City noong 2nd to 4th wave na ayuda ay gaya ng mga traysikel, habal-habal, pedicab drivers; porters, vendors, peddlers, construction workers, pregnant and lactating mothers, kasambahay, solo parents, Muslim employees, job orders, Madaris teachers, vulnerable sectors, senior citizens, PWD, barangay health workers, day-care teachers, at mga security forces gaya ng CVO, BPAT, SCAA, at CAFGU.
 
Ayon sa mga awtoridad, ang lahat ng ayudang ito ay upang mapanatili ang mga tao sa bahay ay maiwasan ang pagkalat ni COVID-19 sa Basilan, na hanggang sa report na ito ay zero COVID case pa rin. (NBE/RVC/PIA9-Basilan)

source https://pia.gov.ph/news/articles/1041823

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: