KUWADERNO.COM

Different Genres.

One Name.

One Soul.

One Addicition.

KUWADERNO.COM

Different Genres.

One Name.

One Soul.

One Addicition.

Blog Post

RTF muling hiniling na isailalim ang Region 2 sa MGCQ

March 14, 2021 Uncategorized

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Hunyo 27 (PIA) – – Muling hiniling ng Regional Task Force for the Management of Emerging Infectious Disease (RTF-MEID) sa national Inter-Agency Task Force na isailalim na sa Modified General Community Quarantine (MGCQ) ang rehiyon dos.

Ayon kay Civil Defense Regional Director Dante Balao, chair ng RTF, bagamat may mga nagpopositibo muli sa rehiyon ay hindi ito kasing dami ng mga kaso sa Maynila, Cebu at iba pang mga rehiyon na nasa ilalim ng General Community Quarantine (GCQ).

Aniya ang mga bagong kaso ay hindi maituturing na “local transmission” dahil halos lahat ng mga naitalang bagong kaso ay mga nagbalik probinsiya na mga locally stranded individuals at mga Overseas Filipino Workers.

“Kailangan din nating balansehin ang proteksiyon ng ating mga mamayan sa ekonomiya ng ating rehiyon. Kailangan nating ibalik unti-unti ang sigla ng ating kalakalan para makabangon ang ating ekonomiya,” pahayag ni Balao.

Sa ngayon ay nasa ilalim pa rin ng GCQ ang rehiyon dos, maliban lamang sa probinsiya ng Batanes na nasa ilalim na ng MGCQ.

Gayonman, siniguro ni Balao na anuman ang magiging pasya ng IATF ay susundin ito ng rehiyon.

Sa kabilang banda, muling pinaalalahanan ni Balao ang mga lokal na pamahalaan na nagdedeklara ng “lockdown” na siguruhing tugunan ang lahat ng mga pangangailangan ng kanilang mga apektadong mamamayan.

“Kapag nagdeklara ka ng lockdown, siguraduhin mong may sapat na relief goods para sa iyong mga mamamayan sa loob ng mga araw na naka-lockdown sila. Ito ang nakapaloob sa guideline ng IATF sa pagdedeklara ng lockdown,” dagdag pa ni Balao.

Sa ngayon ay nakapagtala na ng 67 na kaso ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19) ang buong rehiyon kung saan 33 ang nakarecover na, 25 ang kasalukuyang nasa mga pagamutan, walo ang clinically recovered at nanatili sa iisa ang nasawi. (MDCT/OTB/PIA 2-Cagayan)

source https://pia.gov.ph/news/articles/1045989

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: