KUWADERNO.COM

Different Genres.

One Name.

One Soul.

One Addicition.

KUWADERNO.COM

Different Genres.

One Name.

One Soul.

One Addicition.

Blog Post

Publiko hinikayat na maging mapagmatyag sa ginagawang rehabilitasyon ng Manila Bay

March 14, 2021 Uncategorized

LUNGSOD CALOOCAN, Set. 5 (PIA) –Hinikayat ni Manila Mayor Francisco ‘Isko Moreno’ Domagoso ang publiko na maging mapagmatyag sa mga aktibidad na ginagawa ng pamahalaan gayundin ng iba’t ibang grupo kaugnay ng rehabilitasyon ng Manila Bay.

Ito’y matapos naging usapin sa social media ang paglalagay ng synthetic white sand sa lugar.

Binigyang-diin ni  Domagoso ang kahalagahan ng pagsusuri sa mga plano hinggil sa patuloy na rehabilitasyon ng Manila Bay.

“Kung sakaling napatunayan na ang mga nilagay na ito ay makapaminsala, I think DENR knows it better than me. Maigi na rin may nagbabantay na tao. The next action would be to really scrutinize the supposed danger of that particular sand to our environment,” pahayag ni Domagoso.

Kaugnay nito, ibinahagi rin ng alkalde ang iba’t ibang mga hakbang na isinasagawa ng Pamahalaang Lungsod ng Maynila upang matiyak ang kalinisan at kaayusan ng Manila Bay.

“Ang mga solid waste material na nasa Manila Bay ay sinisikap na linisin ng ating mga estero rangers, madaragat, baseco rangers at iba pa,”

Liban dito, nanawagan si Domagoso sa mga Manileño na itapon ang basura sa tamang lalagyan upang mabawasan ang mga nakakalat na basura sa Manila Bay.

Puspusan din ang pagbabantay ng Pamahalaang Lungsod sa mga gusali na nasa paligid nito.

“Tuloy ang pagtitiyak natin na ang kanilang mga pasilidad ay tumutugon, naaayon at sumusunod sa mga alituntuning ipinapatupad ng Maynila with regards sa kanilang waste water treatment and facilitation,” giit ng alkalde.

Samantala, inihayag din ni Domagoso na tuloy ang pakikipag ugnayan ng lokal na pamahalaan ng Maynila sa pambansang pamahalaan upang masiguro na tunay na magiging kapaki-pakinabang ang rehabilitasyon para sa ating mga kababayan.  (PIO Manila/PIA-NCR)

source https://pia.gov.ph/news/articles/1052287

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: