KUWADERNO.COM

Different Genres.

One Name.

One Soul.

One Addicition.

KUWADERNO.COM

Different Genres.

One Name.

One Soul.

One Addicition.

Blog Post

Proyektong plastic-palit -pera para sa sari-sari store vendors, ilulunsad sa Maynila

March 14, 2021 Uncategorized
Ipinakikita ni Mayor Isko Moreno ang kasunduang nilagdaan  Pamahalaang Lungsod ng Maynila sa Plastic Credit Exchange ng Hopex Environment Group Inc. para sa paglulunsad ng proyektong plastic-palit pera para sa mga sari-sari vendors noong Huwebes, ika-16 ng Hulyo. (Larawn mula sa PIO Manila)

LUNGSOD CALOOCAN, Hulyo 18 (PIA) –Lumagda sa  kasunduan ang Pamahalaang Lungsod ng Maynila sa Plastic Credit Exchange ng Hopex Environment Group Inc. para sa paglulunsad ng proyektong plastic-palit pera para sa mga sari-sari vendors noong Huwebes, ika-16 ng Hulyo.

Layunin ng proyekto na makapagbigay ng karagdagang pagkakakitaan para sa mga vendors sa pamamagitan ng pangongolekta ng plastic waste at upang tulungan ring mabawasan ang basura sa lungsod sa pamamagitan ng nga Material Recovery Facilities o MRF.

Ayon kay Department of Public Services (DPS) Director Kenneth Amurao, lahat ng uri ng plastic waste ay tatanggapin ng programa at mayroong kapalit na halaga.

“Yung mga basura o plastik na akala niyo ay wala nang halaga ay mabibigyan ng halaga sa programang ito. Lahat ng klase ng plastik ay tatanggapin katulad ng mga plastic sachets, single used plastics, sirang tabo o timba at kahit mga gulong pa,” payagag ni Amurao.

Binigyang-diin rin ni Amurao ang kahalagahan ng proyekto bilang pagsusulong ng tamang pagsisilid ng basura upang hindi ito bumara sa mga katubigan ng lungsod.

“Madadivert na natin ang mga ito mula sa mga estero, karagatan at landfill, makakadagdag pa sa ito sa iyong kita,” aniya. (Manila PIO/PIA-NCR)

source https://pia.gov.ph/news/articles/1047945

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: