KUWADERNO.COM

Different Genres.

One Name.

One Soul.

One Addicition.

KUWADERNO.COM

Different Genres.

One Name.

One Soul.

One Addicition.

Blog Post

Protocol ng Ilocos Sur, nakatulong sa contact tracing ng kaso ng COVID-19

March 14, 2021 Uncategorized

VIGAN CITY, June 12 (PIA) – – Mas napadali ang pagsasagawa ng contact tracing sa mga nakasalamuha ng bagong kaso ng Coronavirus Disease (COVID-19) sa probinsiya ng Ilocos Sur.

Resulta ito ng maayos na pakikipagtulungan ng mga local government unit (LGU), lalong-lalo na sa protocol ng provincial government na mismong ang mga provincial bus ang maghahatid sa mga returning Overseas Filipino (ROF) sa kani-kanilang bayan mula sa boarder sa bayan ng Tagudin.

Ito ang sinabi ni Governor Ryan Luis V. Singson sa isinagawang press conference noong Miyerkules, Hunyo 10, sa Provincial Capitol dito sa siyudad.

Mula sa sasakyan na handog ng Department of Transportation (DOTr) at Overseas Workers Welfare Association (OWWA) na naghahatid sa mga ROF galing Maynila patungo sa kanilang probinsiya, lahat ng mga ROF na taga-Ilocos Sur ay ibinababa sa Tagudin at doon sila’y sasakay sa mga provincial bus patungo sa kanilang LGU.

Ang mga nasundong ROF ay dinadala muna sa Rural Health Unit ng LGU at doon sila ini-evaluate ng mga health workers kung kailangan ba nilang mamalagi muna sa quarantine facility o mag-home quarantine sa loob ng pitong araw.

Aniya, dahil sa protocol na ito lalong-lalo sa koordinasyon ng mga LGU at mga establisyementong pinuntahan ng pasyente, mas napadali ang contact tracing dahil na-monitor nila ang pagpasok ng ROF dito sa probinsiya.

Base sa direktiba ng national government, mula sa Maynila sakay ng bus mula sa DOTr at OWWA ay diretso sa kani-kanilang LGU ang mga ROF, ngunit upang ma-monitor ang pagpasok ng mga residente sa probinsiya, hiniling ng provincial government ang protocol na ito.  

“Para sa safety nating lahat, hiningi ng provincial government na tayo mismo ang mag-provide ng transportation para sa ating mga ROF sa pag-uwi nila sa kani-kanilang bayan,” ani Gov. Singson.  

Ayon sa datos na inilabas ng OWWA Region I noong Miyerkules, aabot na sa 272 ang kabuuang bilang ng mga ROF na napauwi dito sa probinsiya simula noong ika-17 ng Abril 2020.  

Bago sumakay sa bus ng provincial government ng Ilocos Sur, kumuha muna ng litrato ang ilan sa mga returning overseas Filipino (ROF) mula sa Maynila na sinundo sa boarder sa bayan ng Tagudin noong Mayo 30. (Litrato mula sa Facebook page ng OWWA La Union) 

 

Ipinaliwanag din ni Gov. Singson na kahit OFW ang bagong kaso ng COVID-19 sa Ilocos Sur, papayagan pa rin ang mga ROF na umuwi dito sa probinsiya base sa Memorandum na ibinaba ng Department of Interior and Local Government (DILG).

“Nakasaad sa Memorandum Circular No. 2020-087 ng DILG na hindi dapat pigilan ang lahat ng ROF lalong-lalo na kung natapos na nila ang kanilang 14-day quarantine sa Maynila at negatibo ang resulta ng kanilang COVID-19 nasopharyngeal swab test. Sumusunod lamang po tayo sa mga direktiba ng national government,” dagdag ni Singson.

Aniya, naiintindihan niya ang pangamba ng mga residente ngunit ipinasigurado niya na ginagawa ng provincial government ang lahat ng mga safety protocol sa pakikipagtulungan sa iba’t-ibang ahensiya upang sana’y hindi na madagdagan pa ang kaso ng COVID-19 sa probinsiya.

Samantala, sa Laging Handa Network Briefing ng Presidential Communications Operations Office kahapon, ibinida ni Cotabato Governor Nancy Catamco ang “Sagip Stranded,” isa sa mga programa ng provincial government na nakatulong upang maiwasan ang posibleng local transmission dulot ng hindi monitored na pag-uwi ng mga estranded na residente sa probinsiya.

“So ang ginawa natin para matulungan natin and also para po maiwasan natin yung local transmission ay kinakailangan na mayroon mekanismo na ginawa ang probinsya. For example, yung probinsya po ang kukuha sa kanila kung nasaan sila at dumaan po ito ng mga tamang proseso. Kailangan yung nagsagip ay naka-PPE,” ani Gov. Catamco.

Isinaad pa ni Catamco na bago nag-modified, ang mga ROF ay kailangang ma-quarantine muna sa may boarders ng 14 na araw bago sila inihahatid sa kanilang mga munisipyo.

“But this time, since we are now under the modified community quarantine, ang ginagawa po natin ay kinukuha natin sila at ang munisipyo po ang nagku-quarantine sa kanila,” ani Gov. Catamco.

Idinagdag din ni Gov. Catamco na hanggang ngayon ang North Cotabato ay COVID-free dahil ang lima na positive case nila ay gumaling na at nag-negatibo din lahat ng mga nakahalubilo nila.   

Sa ngayon, ang Ilocos Sur ay mayroong isang aktibong kaso ng COVID-19.

Siya ay 30 taong gulang na OFW mula Taiwan na residente sa siyudad at nagpositibo sa COVID-19 noong Martes, Hunyo 9. 

Kahapon, kinumpirma ni Dr. Trina Tabboga-Talaga, Chief ng Ilocos Sur Provincial Hospital-Gabriela Silang (ISPH-GS) na bumubuti na ang pakiramdam ng pasyente at pagkatapos ng siyam o sampung araw ay dadaan ito sa pangalawang COVID-19 nasopharyngeal swab test.

Ang pasyente ay naka-admit sa ISPH-GS dito sa syudad at patuloy ang contact tracing sa mga nakasalamuha ng pasyente, ayon sa city government. (JCR/MCQ/PIA Ilocos Sur)

 

source https://pia.gov.ph/news/articles/1044560

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: