KUWADERNO.COM

Different Genres.

One Name.

One Soul.

One Addicition.

KUWADERNO.COM

Different Genres.

One Name.

One Soul.

One Addicition.

Blog Post

Ph173M proyekto ng PRDP sa MIMAROPA, aprubado 

March 14, 2021 Uncategorized
Nagpulong gamit ang Cisco Webex platform, ang mga miyembro ng  MIMAROPA Regional Project Advisory Board (RPAB) ay inaprubahan ng tatlong (3) proyekto sa rehiyon. (Larawan mula sa PRDP MIMAROPA)

LUNGSOD NG CALAPAN, Oriental Mindoro, Mayo 22 (PIA) – Umabot sa Ph173.8 milyong pangkabuhayan at imprastrakturang proyekto ng Philippine Rural Development Project (PRDP) ang inaprubahan ng MIMAROPA Regional Project Advisory Board (RPAB) sa isang teleconference kamakailan. 

Ayon kay MIMAROPA Regional Executive Director at RPAB Chairman Antonio Gerundio, “sa sitwasyon na kinakaharap ng ating bansa ngayon, binibigyang diin ang pangangailangang matiyak ang pagkakaroon ng pagkain”.

Inaprubahan ang Abra De Ilog Cassava Processing and Marketing ng Armado Cabacao Farmers Multi-purpose Cooperative (ACAFARMCO) mula sa Occidental Mindoro. Ang proyekto ay nagkakahalaga ng P12.9M na inaasahan na magpapataas sa kalidad at produksyon ng cassava chips, cassava flour at cassava starch. Ang negosyo ay magbibigay daan sa mas malaking kita at kabuhayan para sa mga magsasaka ng kamoteng kahoy na miyembro ng kooperatiba. 

Naaprubahan din ang. Ph14.2M Romblon Seaweeds Production and Processing ng Sta. Maria Food Processors Association (SAMAFPA). Ang proyekto ay  gagawa ng pansit seaweed (noodles) at tuyong damong-dagat (raw dry seaweeds).

Samantala, iminungkahi naman ni Assistant Regional Director Robert Abrera ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) sa SAMAFPA na bukod sa pansit seaweed ay maaari ring gumawa ng mga dagdag na produkto ang kooperatiba gaya ng seaweed chips at pickles.

Ang pangatlong proyekto na inaprubahan ay ang rehabilitasyon at pagsasaayos ng Sandoval-Silanga Farm-to-Market-Road sa  bayan ng Taytay, Palawan  na may kabuuang badyet na P146.7M. Inaasahang pakikinabangan ang proyekto ng 16,000 sambahayan, kabilang ang komunidad ng mga Indigenous People (IP) na nakatira sa nasabing bayan.  

Ang tatlong (3) proyekto ang kauna-unahang inaprubahan sa pamamagitan ng teleconference ng PRDP MIMAROPA bilang pagtalima sa ipinapatupad na Enhanced Community Quarantine (ECQ) bunsod ng COVID-19 pandemya.

“Kailangan nating ipatupad ang mga ganitong proyekto, kailangan nating paunlarin ang mga pundasyong ito upang magbigay ng mas maraming produkto at oportunidad na kumita ang ating mga magsasaka at mangingisda”, dagdag ni RED Gerundio. (LC/PIAMimaropa/Calapan)

source https://pia.gov.ph/news/articles/1042554

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: