KUWADERNO.COM

Different Genres.

One Name.

One Soul.

One Addicition.

KUWADERNO.COM

Different Genres.

One Name.

One Soul.

One Addicition.

Blog Post

PCG namahagi ng improvised face shields sa Divisoria

March 14, 2021 Uncategorized
    Makikita sa larawan ang pamamahagi ng mg tauhan ng Philippine Coast Guard ng libreng face shield sa isanng tindera sa Divisoria. (Larawan mula sa PCG)

PASIG CITY, April 10 (PIA) – Bilang tulong-proteksyon sa pangambang dulot ng coronavirus disease (COVID-19), namahagi ang mga kawani ng Philippine Coast Guard (PCG) ng mga improvised o DIY face shields sa mga tindera, basurero at taga linis sa Divisoria sa Maynila.

Ayon sa PCG, malaki rin ang gampanin ng mga nagtitinda sa palengke, nangongolekta ng basura, at naglilinis ng kalsada para mapanatili ang suplay ng pagkain at kalinisan ng kapaligiran sa gitna ng enhanced community quarantine.

Bilang pasasalamat, personal na namahagi ang mga kawani ng coast guard ng mahigit kumulang 200 pirasong face shields sa ating mga kababayan.

Samantala, patuloy ang Philippine Coast Guard sa pagbibigay serbisyo at paghahatid ng tulong sa ating mga kababayan sa gitna ng emergency crisis. (PCG/PIA-NCR)

 

 

source https://pia.gov.ph/news/articles/1038570

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: