KUWADERNO.COM

Different Genres.

One Name.

One Soul.

One Addicition.

KUWADERNO.COM

Different Genres.

One Name.

One Soul.

One Addicition.

Blog Post

Pasig Mega Market, may delivery service na

March 14, 2021 Uncategorized
Larawan mula sa Pasig City PIO

LUNGSOD PASIG, Hunyo 9 (PIA) – Magandang balita para sa mga residente ng Pasig City! Handog ng pamahalaang lungsod ang delivery service ng PasigMega Market. 

Para magpa-deliver, sundin lamang ang mga sumusunod: I-download ang Community Mart app; Click Pasig City > Pasig Mega Market; Pumili sa mga produkto at punuin ang “cart;” Pindutin ang cart, mag-checkout, at sundin ang instructions.

Maaari ding magbilin ng mensahe o “Remarks.” Matapos ilagay ang order, hintayin ito. Kada ika-10 ng umaga (10AM) ang cut-off para sa same-day delivery, samantala simula 8:00AM hanggang 6:00pm naman ang oras ng delivery. 

Tingnan ng maigi kung kumpleto ang order at kung may kulang o problema, tumawag kaagad sa customer service.

Ayon kay Pasig City Mayor Vico Sotto, ang Community Mart app ay isang kumbinyente at mahalagang paraan ng pamimili sa panahon ng COVID-19 na makakatulong din sa social distancing sa palengke.

Dagdag pa ni Mayor Sotto na ang delivery ay dagdag-kita na rin sa mga tricycle drivers na ilang buwang naapektuhan dahil na rin sa community quarantine. (Pasig PIO/PIA-NCR) 

source https://pia.gov.ph/news/articles/1044203

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: