KUWADERNO.COM

Different Genres.

One Name.

One Soul.

One Addicition.

KUWADERNO.COM

Different Genres.

One Name.

One Soul.

One Addicition.

Blog Post

Pasig food coupons maaaring gamitin hanggang Hunyo 30

March 14, 2021 Uncategorized

LUNGSOD PASIG, Hunyo 16 (PIA) — Inanunsyo ng Pamahalaang Lungsod ng Pasig na extended muli ang validity ng mga ipinamahaging food coupons sa mga mamamayan ng lungsod

 Maaari pa ring gamitin ang food coupons hanggang June 30, 2020, ayon sa anunsiyo.

Maaaring ipambili ang mga food coupons sa Pasig Mega Market, Pasig Mobile Palengke at sa ilang talipapa.

Magugunitang noong Abril, namahagi ang pamahalaang lungsod ng mga food coupons bilang tulong sa mga naapektuhan ng community quarantine.

Una rito, namahagi ang lungsod ng 400,000 food packs at 8,000 bote ng vitamins sa mga mahihirap na residenteng apektado ng lockdown na nagkakahalagang P158.8 milyon.

Gayundin, nagpaikot ito ng mobile kitchen na libreng naghahatid ng pagkain at nagpasa rin ito ng “no-hoarding” ordinance upang matiyak ang sapat na suplay ng mga basic goods. (PIA NCR)

source https://pia.gov.ph/news/articles/1044853

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: