KUWADERNO.COM

Different Genres.

One Name.

One Soul.

One Addicition.

KUWADERNO.COM

Different Genres.

One Name.

One Soul.

One Addicition.

Blog Post

Pamamahagi ng Paraña-Cash debit card, sinimulan na

March 14, 2021 Uncategorized
Distribusyon ng ‘Paraña-Cash card’ sa residente ng Barangay Vitalez Miyerkoles, Hulyo 15,  2020. (Photo from Mayor Edwin Olivarez Facebook Page) 

LUNGSOD PARAÑAQUE, Hulyo 16 (PIA) — Sinimulan na ng lokal na pamahalaan ng ng Parañaque ang pamamahagi ng debit card sa mga pamilya na benipisyaryo ng ‘Paraña-Cash’, Miyerkules, Hulyo 15.  

Si Mayor Edwin Olivarez ang personal na naguna na pamamahagi  ng ‘Paraña-Cash card’ sa mga residente mula sa Barangay Vitalez at Barangay Baclaran. 

Sa ilalim ng programang ‘Paraña-Cash’, makakatanggap ang mga residente ng lungsod ng P5,000 mula sa lokal na pamahalaan. Mabibigyan ng ayuda ang mga residente na hindi nakatanggap ng kahit anong tulong pinansyal mula sa pamahalaang nasyunal.

Layunin ng programa na masigurong lahat ng residente ng lungsod ay mabigyan ayuda habang umiiral ang ‘general community quarantine’  bunsod ng pandemyang dala ng COVID-19.

Sa Biyernes, Hulyo 17 naman gagawin ang pamamahagi ng ‘Paraña-Cash card’ sa La Huerta, Don Galo, Don Bosco, Moonwalk, at San Martin de Porres. 

Pansamantalang naantala ang pamamahagi ng debit card sa mga nasabing lugar dahil sa isinagawang balidasyon ng mga impormasyong isumite ng mga residenteng nakatakdang tumanggap ng ayuda doon.

Samantal, pinalalahanan ni Olivarez sa mga residenteng kukuha ng kanilang mga debit card sumunod sa mga ipinatutupad na health and safety protocols ng pamahalaan tulad ng social distancing at pagsusuot ng face mask.  (PIA-NCR)

source https://pia.gov.ph/news/articles/1047718

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: