KUWADERNO.COM

Different Genres.

One Name.

One Soul.

One Addicition.

KUWADERNO.COM

Different Genres.

One Name.

One Soul.

One Addicition.

Blog Post

Pamahalaang panlalawigan ng Quezon, namahagi ng mga kagamitang pang-agrikultura

March 14, 2021 Uncategorized

PAGBILAO, Quezon, Hunyo 11 (PIA)- Namahagi ng mga kagamitang pang-agrikultura ang pamahalaang panlalawigan ng Quezon sa apat na samahan ng mga magsasaka na idinaos sa Barangay Talipan sa bayang ito kamakailan. 

Ayon sa Quezon Public Information Office, kabilang sa mga kagamitang pangsakahan na ipinamahagi sa mga miyembro ng Dumacaa Farmers Irrigators Association, Ibabang Polo Farmers Association, Organic Farmers Association at Samahan sa Industriya ng Cacao Pangkabuhayan (SICAP)-Pagbilao ay dalawang hand tractors, isang tresher, dalawang tig-5,000 litro ng drum at 100 pirasong guyabano seedlings.

Sinabi ni Gobernador Danilo Suarez na sinisiguro niya sa mga magsasaka na sa susunod na taon ay madadagdagan pa ang mga kagamitang pansaka ang maipapamahagi ng pamahalaang panlalawigan. 

“Malaki ang kontribusyon ng ating mga magsasaka sa food supply ng ating probinsya at buong rehiyon, hangad ko na pag-ibayuhin pa ang mga programa sa sektor ng agrikultura”, sabi pa ng gobernador

Kaugnay nito, binisita rin ni Gobernador Suarez ang  ang Quezon Product Center at Quezon Food and Herbal Processing Center na matatagpuan din sa bayan ng Pagbilao. 

Samantala, nakatakda ring tumanggap ng mga agricultural inputs ang iba pang mga samahan ng mga magsasaka mula sa lungsod ng Tayabas, mga bayan ng Sariaya, Candelaria at iba pang bayan sa lalawigan sa mga susunod na araw. (Ruel Orinday, PIA-Quezon at ulat mula sa Quezon PIO)

 

 

source https://pia.gov.ph/news/articles/1044423

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: