KUWADERNO.COM

Different Genres.

One Name.

One Soul.

One Addicition.

KUWADERNO.COM

Different Genres.

One Name.

One Soul.

One Addicition.

Blog Post

Pamahalaang Panlalawigan ng Quezon, naghatid ng ayuda sa mga iba’t ibang bayan   

March 14, 2021 Uncategorized
Makikita sa larawan si Pagbilao Mayor Shierre Ann Portes Palicpic habang tinatanggap ang mga tulong o ayuda  mula sa Pamahalaang Panlalawigan ng Quezon sa pangunguna ni Gov. Danilo Suarez dahil sa ipinatutupad na ECQ sa lalawigan dulot ng banta ng COVID-19. (Larawan mula sa Quezon PIO) 

PAGBILAO, Quezon, Mayo 4 (PIA)-Naghatid ng tulong na relief food packs,  health coupons at mga agricultural inputs ang pamahalaang panlalawigan ng Quezon sa bayang ito gayundin sa lungsod ng Tayabas noong Abril 28 na magsisilbing ayuda ng Quezon provincial government  sa  kabila ng umiiral na enhanced community quarantine dahil sa banta ng COVID-19.

Ang mga nasabing tulong ay tinanggap nina Municipal Mayor Shierre Ann Portes Palicpic ng Pagbilao at Tayabas City Mayor Ernida Reynoso at ito ay ipapamahagi naman sa kanilang mga lokal na  residente sa  kani-kanilang  mga nasasakupang barangay. 

Sa pagbibigay ng nasabing ayuda, siniguro  din ni Quezon Gov. Danilo Suarez na maipagkakaloob ang mga benipisyo sa mga medical health workers ng Quezon kagaya ng pagkakaloob ng 25% risk allowance, pagdadagdag ng daily rates sa mga job order nurses at medical staff gayundin ang pagbibigay ng 25 kilo ng bigas at P1,000 halaga ng grocery para sa bawa’t isang medical health worker sa lalawigan.

Kasama ng gobernador sa paghahatid ng ayuda sa bayan ng Pagbilao at lungsod ng Tayabas sina Bise gobernador Samuel Nantes, Provincial Board members Jerry Talaga at Alona Obispo.

Habang abala, ang pamahalaang panlalawigan sa pagbibigay ng ayuda sa nasabing mga bayan, naging abala din naman ang mga municipal social welfare and development office sa bayan ng Pagbilao at  sa lungsod ng Lucena  sa pagkakaloob ng tulong sa mga benipisyaryo ng Social Amelioration Program ng DSWD. (Ruel Orinday-PIA-Quezon/ may ulat mula sa Quezon PIO)  

 

 

source https://pia.gov.ph/news/articles/1040549

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: