KUWADERNO.COM

Different Genres.

One Name.

One Soul.

One Addicition.

KUWADERNO.COM

Different Genres.

One Name.

One Soul.

One Addicition.

Blog Post

Pagputol sa ‘delinquent accounts’ ngayong Hunyo at Hulyo ipinagpaliban ng Quirelco

March 14, 2021 Uncategorized

DIFFUN, Quirino, July 6 (PIA)—Ipagpapaliban muna ang pagputol sa mga linya ng kuryente ng mga miyembrong hindi nakabayad ng bill sa mga buwan ng Hunyo at Hulyo upang mabigyan sila ng sapat na panahong makapag-ipon ng pambayad ayon sa Finance Services Department Manager ng Quirino Electric Cooperative (Quirelco).

Sa “Project K-Usapang pasa sa Konsyumer” na pinangunahan ni Konsehal Maria Karen B. Guillermo, sinabi ni Ronely D. Viray , department manager na bagama’t pinapayagan na silang magputol, kailangang unahin muna nila ang kaligtasan ng kanilang mga miyembro at sa mga empleyado nilang naatasang maningil laban sa banta ng coronavirus.

“Kung napansin po natin during the billing months of March and April noong nagbayad kayo, wala pa rin po tayong binibigay na penalty alinsunod sa advisory ng Energy Regulatory Commission, ngunit pagdating ng Mayo, hanggang sa kasalukuyan ay bumalik na rin po tayo sa tamang operations kasi yun po ang mandato sa atin para gumalaw din po ang ekonomiya natin,” ayon pa kay Viray.

Ani Viray ay pinag-aaralan pa nila ang financial operations ng kooperatiba. Dagdag niya sa ngayon ay nakikita naman na maganda pa rin ang operasyon sa kabila ng nararanasang krisis sa buong mundo.

“Nakikita naman nating maganda pa rin ang pagbabayad ng ating mga member consumer so, sa tingin ko baka hangang July isasantabi muna natin ang ating pagpuputol,” ani Viray.

Ipinaliwanag din ni Viray kung bakit nagkaroon ng bill ang mga miyembro gayong wala namang meter reader na dumalaw sa kanila at kung bakit may arrears o atraso sa bayad ang mga miyembro.

“Mula noong Marso hindi na po tayo lahat lumabas ng ating mga tahanan, hindi na rin tayo nakapag-bayad ng ating mga power bills. So pagdating ng Abril, may mga natitira po tayong mga power bills na hindi nababayaran at makikita natin sa statement of accounts ang tinatawag nating arrears. Yun po yung mga power bills nating hindi pa natin nababayaran,” paliwanag ni Viray.

“Mayroon pong polisiya ang ating ERC na pinapayagan ang bawat electric cooperative na gamiting basehan ng ating power bill ang three months average transaction sa mga panahong hindi tayo pwedeng mag-reading,” dagdag ni Viray.

Ayon pa sa finance department manager, para sa buwan ng Marso, ang naging basehan ay December, January and February bills.

“Yung average consumption natin ng Marso ay maaaring mas mababa o mas mas mataas kaysa sa tamang konsumo natin at itinama na po natin sa buwan ng Abril kasi nagkaroon na po tayo ng actual reading,” ani Viray.

Sa mga business establishment na nagsara ngunit nagkaroon ng bill kahit walang konsumo, maaari umanong ipa-adjust ito sa kanilang opisina dahil tanging hangad ng kooperatibang mabigyan ng bill ang mga member consumer na ayon lamang sa konsumo nila. (MDCT/TCB/PIA 2-Quirino)

source https://pia.gov.ph/news/articles/1046297

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: