KUWADERNO.COM

Different Genres.

One Name.

One Soul.

One Addicition.

KUWADERNO.COM

Different Genres.

One Name.

One Soul.

One Addicition.

Blog Post

Paglalagay ng real- time Air Quality Monitoring System sa Maynila, pinasalamatan ni ‘Isko’

March 14, 2021 Uncategorized

LUNGSOD CALOOCAN, Hulyo 19 (PIA) –Malaking pasasalamat ang ipinaabot ni Manila Mayor Francisco ‘Isko Moreno’ Domagoso sa Department of Environment and Natural Resources (DENR) makaraang maglagay ito ng real-time Air Quality Monitoring System (AQMS) sa Mehan Garden nitong nakaraang linggo.

Ayon sa punong lungsod, adhikain ng Pamahalaang Lungsod na palawakin ang mga ‘green spaces’ sa Maynila kaya’t lubha niyang ikinagalak at ipinagpasalamat  nang ialok ng DENR ang paglalagay ng AQMS sa lungsod.

“Walang kibit-balikat ang sabi ko, ilagay n’yo po sa Maynila. Para naman masukat natin ang effort ng city to make more open green spaces and cleaner air through this first-ever-in-the-country machine donated by DENR,” pahayag ng alkalde.

Layunin ng DENR na suriin ang datos mula sa real-time AQMS upang tulungang maitaas ang kalidad ng hangin sa Kamaynilaan.

Ayon kay DENR-EMB NCR Regional Director Atty. Domingo M. Clemente, Jr., isa ang air pollution sa mga nangungunang ‘environmental risk’ sa buong mundo kaya’t mahalagang intindihin ang sanhi at solusyunan ito.

“We have the Teledyne T640 PM analyzer, the first ever in the Philippines. Ito po ang makina na sumusukat sa kalidad ng hangin. There is a need to understand and improve our air quality,” aniya.

Tiniyak naman ni Department of Public Services (DPS) Director Kenneth Amurao na patuloy ang kooperasyon ng kanilang departamento sa iba’t ibang ahensya ng pamahalaan at ilang mga pribadong sektor upang isulong ang pagkakaroon ng mas malinis hangin at kapaligiran sa Lungsod ng Maynila.

“Hindi po tayo hihinto sa pagkakaroon lamang ng Air Quality Monitoring Station sa Lungsod ng Maynila, but we will practice consistency in our policy. Consistent po ang ating pakikipag-ugnayan sa national government and the private sector for current and future projects that will help our city, specially the ones that will promote a cleaner and greener environment,” ani Director Amurao. (PIO Manila/PIA-NCR)

source https://pia.gov.ph/news/articles/1048007

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: