KUWADERNO.COM

Different Genres.

One Name.

One Soul.

One Addicition.

KUWADERNO.COM

Different Genres.

One Name.

One Soul.

One Addicition.

Blog Post

Paalala ng MIAA sa mga pasahero: Kumpirmahin ang flight schedule bago magtungo sa airport

March 14, 2021 Uncategorized
Caption

LUNGSOD PASIG, Hulyo 14 (PIA) – Pinaalalahanan si Manila International Airport Authority (MIAA) General Manager Eddie Monreal sa mga pasahero na kumpirmahin ang kanilang flight schedule bago magtungo sa airport. 

Ako po’y humihiling at umaapela, uulitin ko yung lagi naming sinasabi na sana po ‘pag hindi po confirmed ang inyong mga ticket o kaya wala po kayong ticket huwag sana po tayo pumunta sa paliparan o kaya saan mang lugar na malapit sa paliparan,” wika ni Monreal sa ginanap na Public Briefing nitong Lunes. 

Aniya, kailangang tiyakin ng mga pasahero ang kanilang flight at siguraduhin ding kumpleto ang kanilang mga dokumento.

Kailangan din po na kumpleto ang mga dokumento. Kailangan po meron po silang travel pass, meron po silang medical certificate na kinakailangan po ng mga local government sa pagdating nila sa kanilang destinasyon.”

Nanawagan din si Monreal sa tulong at kooperasyon ng mga mananakay upang hindi sila maabala pagdating sa paliparan.    

Ibinahagi rin ng tagapangasiwa ng MIAA na katuwang nila ang Department of the Interior and Local Government (DILG) para sa mga dokumentong kailangan ng mga pasahero gaya ng travel pass at health certificate. (PIA-NCR)

source https://pia.gov.ph/news/articles/1047511

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: