KUWADERNO.COM

Different Genres.

One Name.

One Soul.

One Addicition.

KUWADERNO.COM

Different Genres.

One Name.

One Soul.

One Addicition.

Blog Post

P43.8M halaga ng ‘agricultural interventions’ ipinagkaloob sa mga magsasaka sa Batangas

March 14, 2021 Uncategorized
May kabuuang P43.8 milyong halaga ng ‘agricultural interventions’ ang ipinamahagi ng Department of Agriculture sa may 45 magsasaka mula sa mga bayan ng San Nicolas, Agoncillo, at Laurel, Batangas. (Larawan mula sa Office of Provincial Agriculture-Batangas)

LUNGSOD NG BATANGAS, Hunyo 19 (PIA) –May kabuuang P43.8 milyong halaga ng agricultural inventions ang ipinamahagi ng Department of Agriculture (DA) Region IV-A sa may 45 Batangueño farmer-representatives noong ika-11 ng Hunyo 2020.

Ang naturang tulong pang-agrikultura na ipinagkaloob sa mga magsasaka mula sa mga bayan ng San Nicolas, Agoncillo, at Laurel ay naihatid sa patuloy na pakikipag-ugnayan ng Office of the Provincial Agriculturist (OPAg) sa DA CALABARZON.

Ayon sa DA CALABARZON, ang pamamahagi ng tulong sa mga magsasaka ay bahagi ng tuloy-tuloy na Taal Recovery and Rehabilitation Program kung saan unang naipamahagi na sa mga lubos na napinsalang mga bayan noong pumutok ang Bulkang Taal ang iba’t ibang ayuda na mga pananim tulad ng budded calamansi, guyabano, lanzones, cacao seedlings, at banana sucker.

Bukod dito, mayroon ding abono, plant growth enhancer, mga livestock animals gaya ng baka, kalabaw, at kambing. Kasama ring naipamahagi ang broiler at native chickens at ilang mga agricultural equipment, na kinabibilangan ng plastic crates, pruning shear, at knapsack sprayer.

Sinabi ni DA CALABARZON Regional Director Arnel V. de Mesa, na ang food security at sustainability targets umano ay hindi dapat maantala o matigil sa kabila ng mga kinakaharap na matitinding pagsubok tulad na lamang ng nangyaring Taal Volcano eruption at sa patuloy na banta ng African Swine Fever (ASF) at Coronavirus Disease (COVID-19) na labis aniyang nakakaapekto sa buong rehiyon.

Nagpahayag din si Director de Mesa ng kaniyang simpatya sa mga magsasakang Batangueño at binigyang-diin na buo ang magiging suporta ng kanilang ahensya para sa maayos na pagpapatupad ng mga programang pang-agrikultura sa lalawigan.

“Ang DA 4A ay nakahandang tumulong sa mga magsasaka kahit anong sitwasyon ng buhay,” tugon ni Provincial Agriculturist, Engr. Pablito Balantac, na taos-puso ang naging pasasalamat sa nasabing kagawaran.

Sa inilibas na ulat ng OPAg, malaki anila ang maitutulong ng mga naipagkaloob na laang ayuda ng DA sa mga magsasaka upang muling makapagsimula sa kabila ng naranasang kalamidad. Nakahanda rin anila ang kanilang tanggapan para magbigay suporta sa mga proyekto ng Department of Agriculture at mga Batangueño farmers. (PIA-Batangas/Batangas Capitol PIO)  

source https://pia.gov.ph/news/articles/1045191

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: