KUWADERNO.COM

Different Genres.

One Name.

One Soul.

One Addicition.

KUWADERNO.COM

Different Genres.

One Name.

One Soul.

One Addicition.

Blog Post

‘OsMak e-Consult’ online consultation inilunsad sa Makati

March 14, 2021 Uncategorized

LUNGSOD CALOOCAN, Aug. 26 (PIA) — Ibinalita ngayong araw ng Pamahalaang Lungsod ng Makati na maaari nang komunsulta sa Ospital ng Makati (OsMak) online sa pamamagitan ng internet at ng virtual health care service ng ospital.

Paalala nito, para sa mas maigting na serbisyong #AlagangMakatizen ng lungsod, maaari nang magpakonsulta online ang mga pasyente sa mga health care professional ng OsMak gamit ang bagong virtual health care service na “OsMak e-Consult”.

Para kumonsulta, kailangan lamang na bisitahin at mag-register sa link na ito https://econsult.osmak.gov.ph

Maaaring kumonsulta nang libre ang mga residente na may tanong tungkol sa COVID-19 online o ng iba pang mga sakit.

Ang online consultation sa bawat health clinic ay naka-schedule sa mga sumusunod na araw:

Lunes – Medicine and Surgery clinics
Martes – Pediatrics and OB-Gynecology clinics
Miyerkules – ENT-HNS, Ophthalmology, and Dermatology clinics
Huwebes – Family Medicine and Physical/Rehabilitation Medicine clinics

Mayroong mga doktor ang OsMak na nagtutulungan para masagot ang mga tanong ng publiko online.

Layunin din ng naturang platform na magbigay ng tamang impormasyon sa mga residente ng lungsod para di rin sila mabahala. (PIA NCR)

 

source https://pia.gov.ph/news/articles/1051305

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: