KUWADERNO.COM

Different Genres.

One Name.

One Soul.

One Addicition.

KUWADERNO.COM

Different Genres.

One Name.

One Soul.

One Addicition.

Blog Post

NEWS5 will go to the Vatican to cover the beatification of Pope John Paul II

March 14, 2021 Uncategorized

Mula mismo sa Vatican
City, kaisa ang NEWS5 sa
paghahatid ng mga
kaganapan sa beatification
ni Pope John Paul II o ang proseso tungo sa paggagawad ng paka-santo sa
isang indibidwal na napatunayang nagdulot ng himala. Sa misang gaganapin
sa Holy See saMayo 1, hihirangin ang Santo Papang pinakaminahal ng
buong mundo bilang ‘Blessed Pope John Paul II’ matapos ideklara ni Pope
Benedict XVI na isang milagro ang paggaling ng isang madreng Pranses mula
sa sakit na Parkinson’s.
“Naatasan ang batikang reporter ng NEWS5 na si Joey Villarama upang mag-
ulat ng mga pangyayari mula sa Vatican. Tinatayang daan-daang libong
debotong Katoliko ang sasaksi sa beatification anim na taon makaraang
mamaalam ang Santo Papa noong Abril 2, 2005.
“Ihahatid ng NEWS5 sa pamamagitan ng Aksyon TV Channel 41 ang misang
pangungunahan ni Pope Benedict XVI sa Mayo a-Uno mula alas-kwatro ng
hapon hanggang alas-sais y medya ng gabi oras dito sa Pilipinas.
“Patuloy na minamahal ng mga Pilipino ang namayapang Santo Papa dahil sa
ipinamalas nitong pagkalinga sa mga Asyano partikular na sa mga Pilipino.
Dalawang beses na bumisita ang Santo Papa sa Pilipinas—noong 1981 at
noong 1995 kung saan ipinagdiwang dito ang World Youth Day na dinaluhan
ng mahigit pitong milyong Katoliko. Dahil sa umaapaw na suporta ng mga
Pilipino sa Santo Papa, ang Catholic festival na ito ang itinuturing na
pinakamalaking pagtitipon sa kasaysayan ng Kristyanismo.
“Mag-uulat naman sa lahat ng newscast ng TV5 at Aksyon TV Channel 41 si
Joey Villarama para personal na ikwento ang mga pangyayari sa beatification.
“Antabayanan ang daan tungo sa pagka-santo ni Pope John Paul II sa
NEWS5.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: