KUWADERNO.COM

Different Genres.

One Name.

One Soul.

One Addicition.

KUWADERNO.COM

Different Genres.

One Name.

One Soul.

One Addicition.

Blog Post

NCIP, namahagi ng face masks sa mga Badjao sa Lucena

March 14, 2021 Uncategorized

LUNGSOD NG LUCENA, Quezon, Hunyo 4 (PIA)- Ang National Commission on Indigenous People (NCIP)-CALABARZON ay namahagi kamakailan ng may 1,200 piraso ng face masks sa Badjao communities sa barangay Dalahican at Barra sa lungsod na ito. 

Ang pamamahagi ng face masks ay ginawa sa ilalim ng proyektong “Ngiti sa Likod ng Face Masks” na inisyatibo ng NCIP Regional Office kung saan ang face masks ay tinipon ng NCIP mula sa donasyon ng iba’t-ibang pribadong indibidwal at grupo. 

Tumulong sa pamamahagi ng face mask si dating Pinoy Big Brother housemate at Sahaya star Rita Gaviola na tinaguriang “Badjao Girl”.

Ayon naman kay NCIP-Quezon Provincial Director Angelo Sallidao, ngayong  panahon ng community quarantine ay aktibong nagsesrbisyo si Gaviola sa mga kapwa katutubo.

Layunin ng proyekto na hikayatin ang mga katutubo na sundin ang health and safety protocols na ipinatutupad ng pamahalaan para sa paglaban sa COVID-19. 

Samantala, nangako naman ang NCIP- CALABARZON na patuloy silang mamamahagi ng marami pang face masks sa IP communities. (Ruel Orinday-PIA-Quezon)

source https://pia.gov.ph/news/articles/1043613

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: