KUWADERNO.COM

Different Genres.

One Name.

One Soul.

One Addicition.

KUWADERNO.COM

Different Genres.

One Name.

One Soul.

One Addicition.

Blog Post

Navotas ‘NavoSchool’-in-a-box, inilunsad

March 14, 2021 Uncategorized
Kuha ng Navotas Public Information Office

LUNGSOD CALOOCAN, July 17 (PIA) — Inilunsad kamakailan ang “NavoSchool-in-a-box” project ng Pamahalaang Lungsod ng Navotas para matiyak ang tuloy-tuloy na access sa edukasyon ng mga batang Navoteño.

Ayon sa Public Information Office, ipinamahagi ng City Schools Division Office (SDO) ang mga box sa mga naka-enroll sa kindergarten, grade 6, at grade 8 level sa  Bagumbayan Elementary School, Dagat-dagatan Elementary School, at Navotas National High School.

Ang mga box ay naglalaman ng mga textbooks, self-learning modules, activity sheets, at school supplies. Ang mga box para sa mga kindergarten pupil naman ay may kasamang hygiene kits at mga laruan na donasyon ng Philippine Toy Library at iba pang pribadong organisasyon.

Kaugnay ng blended learning na isinusulong ng Department of Education, nagsagawa ang mga guro ng nabanggit na mga paaralan ng simulation ng distance learning classes sa pamamagitan ng online messaging app o text message.

Ang mga magulang ang gagabay sa kanilang mga anak para magawa ang mga takdang aralin at makamit ang mga hinahangad na learning competencies. Magpapasa sila ng mga actual output ng kanilang mga anak at pagtatasa ng module tuwing linggo.

Samantala, ang mga guro ay parating makikipag-ugnayan sa mga magulang para ma-monitor ang pagkatuto ng mga bata at kung mayroon silang mga suliranin.

“Base sa survey na isinagawa ng ating SDO, napag-alaman natin na karamihan sa ating mga estudyante ay may access sa cellphone at mobile data. Ito ang dahilan kaya nagdesisyon ang ating education stakeholders na pinakamainam gamitin ang modified modular distance learning approach,” ani Mayor Toby Tiangco.

“Sa pamamagitan ng NavoSchool boxes, masisiguro natin na hindi magiging hadlang ang pandemya ng COVID-19 sa pagkaroon ng access sa edukasyon. Umaasa rin tayo na dahil sa palagiang interaksyon, mas mapabubuti at mapatitibay ang relasyon ng mga magulang sa kanilang mga anak,” dagdag pa ni Mayor Toby.

Ang Pamahalaang Lungsod ng Navotas, sa pamamagitan ng Special Education Fund, ay naglaan ng P11 milyon para sa pagbili ng 49,000 NavoSchool-in-a-box. 

Ayon kay OIC Schools Division Superintendent Dr. Alejandro Ibañez, plano nilang ipamahagi ang mga box dalawang linggo bago ang opisyal na pagbubukas ng pasukan sa August 24. (PIA NCR)

source https://pia.gov.ph/news/articles/1047802

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: