KUWADERNO.COM

Different Genres.

One Name.

One Soul.

One Addicition.

KUWADERNO.COM

Different Genres.

One Name.

One Soul.

One Addicition.

Blog Post

MMDA traffic management, tuloy sa kabila ng saradong tanggapan 

March 14, 2021 Uncategorized
Caption

LUNGSOD PASIG, Hulyo 10 (PIA) –Patuloy ang traffic management service ng  Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa kabila ng pansamantalang pagsasara ng tanggapan nito sa Makati, pagtitiyak ni Assistant Secretary Celine Pialago, tagapagsalita ng ahensiya. 

Sa Laging Handa Public Briefing nitong Huwebes, sinabi ni Pialago na patuloy pa rin ang paghatid ng serbisyo ng MMDA bagaman sumasailalim sa disinfection activity ang mga tanggapan sa MMDA headquarters.

Ang disinfection ay tatagal po hanggang Linggo. By then po, siguro pwede na hong mag back to normal ang operations, lalo na ho ng ilang mga opisina.”

“Pero paglilinaw lang, yung traffic management, mga enforcers po natin tuloy-tuloy pa rin po sa trabaho since meron naman po tayong mga base at offices po sa iba’t ibang major thoroughfares.” 

Simula nitong Huwebes, Hulyo 9 ay sumailalim sa sanitation at disinfection activities ang MMDA headquarters at mga opisina nito matapos ngang may ilang mga empleyado ng ahensya ang nag positibo sa COVID-19. (MMDA/PIA-NCR)

source https://pia.gov.ph/news/articles/1047194

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: