KUWADERNO.COM

Different Genres.

One Name.

One Soul.

One Addicition.

KUWADERNO.COM

Different Genres.

One Name.

One Soul.

One Addicition.

Blog Post

MMDA, tinitiyak ang social distancing sa mga PUVs

March 14, 2021 Uncategorized

LUNGSOD PASIG, Hulyo 21 (PIA) – Tinitiyak ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na nasusunod ang social o physical distancing sa mga public utility vehicles (PUVs). 

Sa isinagawang Public Briefing nitong Lunes, ibinahagi ni MMDA Spokesperson Assistant Secretary Celine Pialago na patuloy na nagbibigay paaalala ang mga traffic constables sa mga mananakay na sundin ang physical o social distancing.

“Yung mga traffic constables po natin ay naka pwesto sa iba’t ibang bus stops. Sa kahabaan ng EDSA, may mga traffic constables po tayo dyan. Kaya po tinitiyak din ng MMDA bilang isa sa mga law enforcement agency na tiyakin po na nasusunod ang social distancing.

Ayon kay Pialago, kung may mga paglabag na natanggap o aktwal na nakita ang mga traffic constables ay kanila itong inire-report sa Department of Transportation (DOTr) at sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) para kausapin o panagutin ang mga bus operators.

“Sa public transportation, nire-report natin ito sa LTFRB at pinapatawag po nila yung mga operators dahil in the first place dapat alam nila, from the time na bumiyahe po sila at binigyan ho sila ng prankisa at authorized route, dapat po masunod yung mga safety, health protocols na ibinababa po ng Department of Health.”

Idinagdag din ni Asec. Celine na naglagay ng markings ang ilang mga private groups para tiyakin na masusunod ng mga commuters ang social distancing kapag sila’y pumipila. Kasama rin ng MMDA ang mga tauhan ng barangay upang magbantay.

Pinaalala rin ni Pialago ang palagiang pagsusuot ng face mask.

“Kung talagang magpapasaway at walang suot na mask, alam naman po natin na may violation po yan. Kapag na tiketan kayo ng violation ng social distancing, nasa limang libong piso (P5,000) po yun.”

Idinagdag din ni Pialago na patuloy silang magbibigay paalala sa publiko.

“Pero as much as possible po ang aming paninita ay may kasamang compassion.” (PIA-NCR)    

source https://pia.gov.ph/news/articles/1048142

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: