KUWADERNO.COM

Different Genres.

One Name.

One Soul.

One Addicition.

KUWADERNO.COM

Different Genres.

One Name.

One Soul.

One Addicition.

Blog Post

MMDA, nagpahiram ng mga bisekleta sa Pasig health workers

March 14, 2021 Uncategorized
Ilan sa mga bisikletang  ipinahiram para magamit ng mga health workers ng Pasig sa ilalim ng Bike Lane Program ng MMDA. (Mga kuha mula sa General Danny Lim Facebook Page)

LUNGSOD PASIG, Mayo 10 (PIA) — Muling nagpahiram ng mga bisekleta ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) upang magamit ng mga health workers ng Pasig City sa kanilang pagpasok sa kani kanilang trabaho sa iba’t ibang pagamutan sa lungsod.

Ayon kay MMDA Chair Danilo Lim, sa ilalim ng MMDA Bike Lane Program, limang (5) bisekleta ang naipahiram sa Pasig City Children’s Hospital at limang units din sa Medical City.

“Tulad ng pagbibigay natin ng libreng sakay para sa frontliners, inaasahan nating makakatulong itong initiative sa pagpasok sa trabaho ng ating essential workers ngayong suspended ang pampublikong transportasyon sa Metro Manila dahil sa COVID-19,” ayon kay Chairman Lim.

Dagdag pa ng pinuno ng MMDA, tumugon din ang kanilang ahensya sa paglalagay ng safety barriers sa ilang bahagi ng main roads ng lungsod upang magsilbing bike lanes at sidewalk extension.

Nanawagan din si Lim sa patuloy na pagsuporta sa isa’t isa, lalo na sa panahong ito. (PIA-NCR)

source https://pia.gov.ph/news/articles/1041405

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: