KUWADERNO.COM

Different Genres.

One Name.

One Soul.

One Addicition.

KUWADERNO.COM

Different Genres.

One Name.

One Soul.

One Addicition.

Blog Post

Mga tren ng LRT-2, istasyon nilagyan ng markers bilang paghahanda sa GCQ

March 14, 2021 Uncategorized
                                          Ang mga markers sa loob ng tren ng LRT-2. (Photos courtesy of Atty. Hernando Cabrera/LRTA/DOTr)

PASIG CITY, May 6 (PIA) – Bilang paghahanda sa muling pagbabalik operasyon ng mga tren sa Metro Manila, naglagay na ng mga markers ang Light Rail Transit Authority (LRTA) sa loob ng tren at sa mga istasyon ng LRT-2. 

Ayon sa LRTA, ang mga markers sa loob ng mga tren at sa mga istasyon nito ay magsisilbing gabay ng mga mananakay kung saan sila maaaring umupo, tumayo at pumila.

Ang paghahandang ito ay kapag na-lift na ang enhanced community quarantine (ECQ) sa Metro Manila at muling papayagang bumiyahe ang mass transport.

Sa ilalim ng general community quarantine (GCQ) guidelines, pinapayagan na muli ang operasyon ng road, rail, maritime at aviation, sa mas mababang kapasidad o limitadong pasahero, batay na rin sa guidelines ng Department of Transportation (DOTr). Gayundin, mahigpit na ipatutupad ang 1-meter distance sa pagitan ng bawat pasahero sa lahat ng pampublikong transportasyon.

Ang LRT-2 ay bumibiyahe balikan mula sa Santolan station sa Pasig hanggang sa Recto station sa Maynila. (DOTr/LRTA/PIA-NCR)

source https://pia.gov.ph/news/articles/1041091

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: