KUWADERNO.COM

Different Genres.

One Name.

One Soul.

One Addicition.

KUWADERNO.COM

Different Genres.

One Name.

One Soul.

One Addicition.

Blog Post

Mga magbabalik-probinsiya dapat tanggapin ng mga LGU, ayon sa RTF

March 14, 2021 Uncategorized

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, May 12 (PIA) – – Hinimok ng Regional Task Force (RTF) COVID-19 ang mga lokal na pamahalaan na tanggapin ang mga magbabalik-probinsiya nilang mga kababayan.

Ayon kay Regional Director Dante Balao ng Office of the Civil Defense at chairperson ng RTF, malinaw ang panuntunan ng National Inter-agency Task Force sa mga nagbabalik probinsiya lalo na kung mga Overseas Filipino Worker (OFW).

Paliwanag nito, lahat ng mga OFW ay isinasailalim sa masusing pagsusuri pagdating nila Maynila. Ang mga may sintomas ay diretso sa mga health facility samantalang ang mga walang sintomas ay isinasalalim sa RT-PCR test at sumasailalim sa 14-day quarantine.

“Lahat ng pinapauwi ay mga dumaan sa nasabing proseso at hindi na sila kailangang mag-facility qauarantine sa mga bayan kung saan sila uuwi dahil tapos na ang quarantine days nila sa Maynila,” giit ni Balao.

Sa mga ‘locally stranded individual’ naman, dapat makipag-ugnayan ang mga stranded sa lokal na pamahalaan kung saan sila naabutan ng lockdown at ang lokal na pamahalaan ang siyang makipag-ugnayan sa LGU kung saan sila uuwi.

“LGU to LGU ang proseso natin para sa mga mamamayan na stranded sa ibang lugar gustong umuwi sa atin. Pero dapat tiyakin muna kung ang LGU na uuwian ay siguradong tatanggapin sila kasi depende sa LGU yan kung tatanggapin ang mga stranded galing sa ibang rehiyon dito sa   bansa, ” ani Balao.

Diskresyon din umano ng host LGU kung isasailalim muna sa test ang mga uuwing stranded indibidwal pero ayon kay Balao mas maganda umano kung tutulungan na rin ang mga ito na ma-test upang matiyak na hindi sila carrier ng virus.

Inihayag din ng direktor na may mga naihatid na rin silang mga locally stranded individual mula dito sa Lambak Cagayan pauwi sa iba’t-ibang rehiyon sa pakikipag-ugnayan sa mga lokal na pamahalaan kung saan uuwi ang mga ito. (MDCT/OTB/PIA 2-Cagayan)

 

source https://pia.gov.ph/news/articles/1041597

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: