KUWADERNO.COM

Different Genres.

One Name.

One Soul.

One Addicition.

KUWADERNO.COM

Different Genres.

One Name.

One Soul.

One Addicition.

Blog Post

Mga lalawigan ng Quirino, Batanes nananatiling COVID-19-free

March 14, 2021 Uncategorized

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, May 6 (PIA) – – – Nananatiling COVID-19-free ang mga lalawigan ng Quirino at Batanes dito sa rehiyon dahil wala pang naitatalang kaso na nagpositibo sa naturang sakit o ‘confirmed cases’, base na rin sa pinakabagong update ng Department of Health nitong ika-3 ng Mayo.

Ayon sa datos ng DOH na inilabas alasingko ng hapon noong ika-4 ng Mayo, nakapagtagla ang lalawigan ng Quirino ng 22 na ‘suspected cases’ kung saan 21 na rito ang natapos ang 14-day quarantine.

Wala namang naitalang ‘probable case’ sa lalawigan ng Quirino.

Samantala, COVID-free pa rin ang isla ng Batanes.

Ayon sa datos ng DOH, nakapagtala ang Batanes ng 18 na ‘suspected cases’ kung saan ang lahat ng ito ay natapos ang 14-day quarantine.

Samantala, nakapagtala na ang buong rehiyon ng 34 na ‘confirmed cases’ kung saan 39 na dito ang nag-negatibo na sa COVID-19 at isa naman ang nasawi. (MDCT, with reports from Hepu CV Chd/PIA-2)

source https://pia.gov.ph/news/articles/1041088

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: