KUWADERNO.COM

Different Genres.

One Name.

One Soul.

One Addicition.

KUWADERNO.COM

Different Genres.

One Name.

One Soul.

One Addicition.

Blog Post

Manila Central Post Office, balik operasyon na

March 14, 2021 Uncategorized

LUNGSOD PASIG, Hunyo 25 (PIA) – Inanunsyo ng Philippine Postal Corporation (PHLPost) na balik operasyon na muli ang Manila Central Post Office (MCPO).

Ayon sa PHLPost, muling nagbabalik sa operasyon ang postal office matapos magsagawa ng paglilinis at disimpeksyon sa mga sulat, parsela, sasakyan, at gayundin sa makasaysayang gusali.

Noong Hunyo 18, pansamantalang kinansela ang buong operasyon at transaksyon sa MCPO para sa isinagawang disinfection at sanitation.

Samantala, idinagdag ng PHLPost na magpapatuloy na rin ang pagtanggap ng MCPO ng mga aplikasyon para sa postal ID (rush at regular) simula ngayong araw, Hunyo 25, mula 8:00am hanggang 5:00pm.

Gayundin, paalala ng PHLPost na maaari ng kunin ang postal ID para sa mga nagpagawa ng rush service noong Hunyo 17. (PHLPOST/PIA-NCR)

source https://pia.gov.ph/news/articles/1045766

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: