KUWADERNO.COM

Different Genres.

One Name.

One Soul.

One Addicition.

KUWADERNO.COM

Different Genres.

One Name.

One Soul.

One Addicition.

Blog Post

Mandaluyong City mayor sa mga trike drivers: Rapid test muna bago pasada

March 14, 2021 Uncategorized
Mga tricycle divers sa Mandaluyong na sasailalim ng COVID-19 rapid test bago payangan magbalik-pasada. (Maga larawan mula sa Mandaluyong PIO)

LUNGSOD CALOOCAN, Mayo 28  (PIA) — Nagsasagawa ng COVID-19 rapid testing para sa mga tricycle drivers bago payagan ang mga ito na muling pumasada sa lungsod.

Sa panayam, sinabi ni Mandaluyong City Mayor Carmelita “Menchie” Abalos na may 4,000 tricycle drivers na dumaan sa rapid testing na isinagawa ng Mandaluyong City Health Office at 255 dito ang nagpositibo sa COVID-19.

Ayon sa punong lungsod, bago pinayagan ang bali-pasada  ng mga tricycle sa siyudad, nagkaroon muna ng pagpupulong ang mga opisyales ng pamahalaang lungsod kasama ang mga opisyales ng mga Tricycle Operators and Drivers Association (TODA) upang maseguro ang kaligtasan at kalusugan ng mananakay at ng mga driver.

Sa pulong aniya binuo ang mga panuntunan na ipinatutupad tulad ng pagsasailalim sa rapid test at resultang negatibo sa COVID bago payagang makapasada ang isang driver.

Ang rapd test ay isa mga panuntunan na binuo ng pamahalaang lungsod at mga opisyales ng TODA upang maiwasan ang pagkalat ng COVID-19.

Ang mga driver na magiging reactive sa test ay isasailalim naman sa confirmatory PCR test.  Ang magpopositibo dito ay kaagad dadalhin sa quarantine facility para sa mandatory 14-day quarantine at kaukulang kagamutan.

Nagsimula ang rapid testing para sa mga tricycle drivers sa Mandaluyong noong Mayo15, may 4,000 tricycle driver na ang sumailalim dito at patuloy pa rin itong isinasagawa para ma test lahat ang drivers ng 52 TODA  sa lungsod.

Kabilang din sa mga itinakdang panuntunan ang mga sumusunod: 1) Isang pasahero lang kada tricycle ang maaaring sumakay maliban na lang kung ang pasahero ay senior citizen at taong may kapansanan na maaaring may kasama; 2) Pagsusuot ng face mask. 3) Paglalagay ng harang sa pagitan ng driver at pasehero; at 4) Paghahanda ng eksaktong pamasahe upang maiwasan ang pisikal na kontak.

May 4,000 tricycle drivers ang naisailalim sa rapid test at patuloy itong gagawing hanggang sa matest lahat ang mga miyembro ng 52 TODA sa lungsod.

Samantala, sinabi ni Abalos na susunod na isasailalim sa rapid test ang mga jeepney drivers, habang kasalukuyan naman sinisimulan ang rapid testing sa mga market vendors.

Pakiusap ni Abalos sa kaniyang mga nasakupan na manatili sa loob ng tahanan kung walang mahalagang gagawin sa labas at palagiang gawin ang mga health protocols na ipinatutupad ng Department of Health upang maiwasan ang Covid-19. (PIA-NCR)

source https://pia.gov.ph/news/articles/1043080

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: