KUWADERNO.COM

Different Genres.

One Name.

One Soul.

One Addicition.

KUWADERNO.COM

Different Genres.

One Name.

One Soul.

One Addicition.

Blog Post

Mahigit 4,000 pamilya sa Aglipay tumanggap ng SAP

March 14, 2021 Uncategorized

CABARROGUIS, Quirino, Hunyo 4 (PIA)—Umabot sa 4,546 na pamilya  mula sa 25 na barangay ng Aglipay ang nabigyan ng ayuda mula sa Social Amelioration Program o SAP .

Sa panayam ng QPTV kay Susan B. Baltazar, municipal social welfare development officer ng nasabing bayan, ipinagpapatuloy ng Municipal Socual Welfare and Development Office ang pamimigay ng Special Amelioration Subsidy pagkatapos magbigay ng pahintulot ang DSWD at DILG para maibigay lahat ng pondo para rito.

Ayon kay Baltazar, hindi natapos noong May 10 na siyang ibinigay na deadline ang pagbibigay ng SAP dahil sa masusing pagsunod sa mga proseso upang mapili ang mga karapat-dapat na mabigyan ayon na rin sa guidelines.

Pangunahin sa listahan ang mga no work no pay at mga itinuturing na poorest of the poor na mamamayan. Nakapagbigay na rin ang bayan ng relief goods sa bawat barangay ng limang beses sa 9,402 na pamilya, mahirap man o may kaya.

“Yung pagpili ay nakasalalay sa mga barangay officials, ang sa amin lang ay validation, kino-cross match namin, dapat hindi sila 4Ps beneficiaries, hindi sila DOLE recipient, pensioners at dapat  low- income ang mga mabibigyan,” ayon kay Baltazar.

Inamin din ni Baltazar na may 20 na benepisiyaryong nakalusot sa kanilang bayan na doble ang natanggap gaya ng 4Ps beneficiaries na nakakatanggap pa ng SAP ngunit ibinalik din ng mga  ito matapos silang payuhan ng MSWDO.

Ayon pa kay Baltazar, nagbigay  din ng ayuda ang municipal government para sa mga empleyado, permanente  o hindi at baway isa ay nabigyan  ng isa’t kalahating kabang bigas.

Ipinaliwanag din ni Baltazar ang hirap at matinding sakripisyo ng mga empleado ng MSWDO  para sa implementasyon ng SAP.

“Bukod sa  talagang na- pressure kami because of deadlines ay undermanned kami dito sa aming opisina, ang isa ay  cancer survivor pero kumuha ng health declaration na siya ay fit to work at yung isa ay nakatakda nang manganak ngunit pumasok para  lang  tapusin ang kanyang reports,” saad ni Baltazar. (MDCT/TCB/PIA 2-Quirino)

source https://pia.gov.ph/news/articles/1043746

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: