KUWADERNO.COM

Different Genres.

One Name.

One Soul.

One Addicition.

KUWADERNO.COM

Different Genres.

One Name.

One Soul.

One Addicition.

Blog Post

Magrehistro sa ReliefAgad app – panawagan ng DSWD sa mga benipisyado ng SAP 2nd tranche

March 14, 2021 Uncategorized

LUNGSOD CALOOCAN, Hunyo 4 (PIA) –Nanawagan ang Department of Social Welfare & Development sa mga benipisyado ng 2nd tranche ng Social Amelioration Program (SAP) na marehistro sa Relief Agad app.

Ayon sa Kagawaran, sa 13.5 milyong tukoy na benipisyado ng SAP 2nd tranche, 2 milyon pa lang ang nakapagrehistro sa ReliefAgad app.

Ang ReliefAgad app ay isang smartphone application na dinevelop para sa mga benepisyado ng SAP upang mapadali ang pagtanggap ng ng ayuda para sa second tranche.

Ito’y naglalayon na mabawasan ang tsansa na paglabas at pagpila ng mga benepisaryo nito lalo na ang mga matanda, buntis, at PWD.

Paalala lamang ng DSWD na mga benepisayo  sa National Capital Region (NCR) pa lamang muna ang kauna-unahang makagagamit ng app dahil nasa pilot testing pa ito.

Ipinauunawa ng DSWD na ang mga unang nakatanggap ng SAP cash assistance  at ang mga idinagdag sa listahan o yaong mga mahihirap na pamilyang hindi naisama sa pamimigay ng unang tranche o “left-outs” ay kailangang magrehistro sa ReliefAgad app upang  mapadali ang ebalwasyon at pamimigay ng ayuda.

Sa huling datos ng Kagawaran, mula nang inilunsad ang ReliefAgad app sa DSWD Virtual Presser  noong ika-14 ng Mayo, 2 milyon pa lang mula sa 17 na  rehiyon ang nakapagrehistro.

Sa kabila ng isinagawang pilot run sa NCR at encoding ng mga SAC form ng mga Field Offices ng DSWD,  ang nakapagtala ng pinakamataas na rehistro ang CALABARZON na may 1,094,332 naitalang rehistro, kasunod ang NCR na may 789,719  at  Central Luzon na may naitalang 103,413 rehistro.

Ayon sa Kagawaran, nananatiling  hamon  ang maabot lahat ng benipisyado ng 2nd tranche sa mga tukoy na rehiyon tulad nang NCR, Rehiyon 3 (maliban sa lalwigan ng Aurora, Rehiyon IV-A, lalwigan ng Benguet, Pangasinan, lalawigan ng Iloilo, lalawigan ng Cebu at ang mga “left out families sa buong bansa.

Sa utos ng Pangulong Rodrigo Duterte, tutulong ang Pahilippine National Police (PNP) at ang Armed Forces of the Philippines (AFP) sa pamamahagi ng 2nd tranche ng SAP lalo na sa malalayong lugar at mga lugar na may banta ng panganib.

Sa virtual presser noong Mayo 28, ipinahayag ni DSWD Secretary Rolando Bautista na masusi na silang nakikipag-ugnayan sa mga naturang tanggapan ng pamahalaan kasama ang Department of Interior and Local Government (DILG)  para sa maayos at mabilis na pamamahagi.

Mayroon na ring isinasagawang pakikipag-ugnayan sa mga bangko at ‘service provider’ upang maiwasan ang mahabang pila dahil idadaan ang pamamahagi sa pamamagitan ‘digital payments’.

Ang natukoy na 13.5 milyon benippisyado ng 2nd tranche ng SAP ay ang mga sumusunod: 1) ang 8.5 milyon ay mula sa 18 milyon pamilya na nakatanggap ng first tranche (2) at ang  5 milyon pamilyang mahihirap na hindi nakasama o ‘left-outs’ sa 1st tranche.

Ang mga left-outs ay makatatangggap ng dalawang buwang ayuda o P5,000 – 8,000 x 2 buwan).

Kasama ng DSWD ang Developers Connect Philippines (DEVCON) at ang United States Agency for International Aid (USAID), na  patuloy na tumutulong sa pagbibigay ng technical Assistance upang maganyak ang mga benipisyado na magrehistro sa ReliefAgad.

“Masaya kaming natutulungan namin ang DSWD sa importanteng tungkulin na ito. Sa pamamagitan ng ReliefAgad, hindi na kailangang umalis ng bahay ang mga benepisyaryo sa pagrehistro at pagtanggap ng ayuda. Hindi na rin kailangan magbahay-bahay ng mga frontliners dahil sa ReliefAgad,” ani ni DEVCON Founder and Talino Venture Labs Chief Executive Officer Winston Damarillo.(DSWD SMS/lfb/PIA)

Para sa mga benipisyado ng 2nd tranche, ayon sa DSWD, narito ang mga mahahalagang tips at paalala sa pagrehistro  sa ReliefAgad app.

1) Gamitin ang ReliefAgad app upang maiwasan ang mahabang pila at makaiwas sa pagkahawa sa COVID-19.

2)  Sundin ang mga susunod na hakbang kung mayroong smartphone at internet access:

                         Step 1: Pumunta sa www.reliefagad.ph gamit ang smartphone.

                         Step 2: Iiscan ang barcode na nasa kanang baba ng SAC form.

                                     Note: Kung hindi magawang iiscan ang barcode, imanwal ang pag encode o  paglagay ng serial number sa barcode.

                         Step 3:  I encode ang inyong personal na impormasyon sa app.

                         Step 4: Ipasok ang impormasyon ng mga miembro ng pamilya.

                         Step 5: Piliin ang gustong pamamaraan ng pagkuha na kayo mismo ang makatatanggap ng tulong.

                                     TIP: Ang ReliefAgad ay mayroon ding cash option. Subalit, kung kaya niyong     gumamit ng GCash, PayMaya, at 58 PESONet-                                               participating bank account/s, maaari niyong matanggap ang cash assistance sa pamamagitan ng inyong account                                                             pagkatapos na mavalidate ng  DSWD.

                       Step 6: Ipasok ang  One-Time-PIN (OTP) na inyong matataanggap sa pamamagitan ng SMS.

                       Step 7: Pindutin ang  Submit.

                      Pagkatapos na magawa ang mga binanggit, hintayin ang kumpirmasyon ng DSWD.

 3) Iseguro o huwag ishare o ipost sa Facebook ang inyong mga impormasyon upang  maiwasan ang online hacks at scam.

4) Magbukas ng e-wallets o bank accounts kung wala kayo o gamitin ang inyong inactive account upang makatanggap ng cash assistance.

Hinihikayat ng DSWD ang mga benipisyado na lumipat sa digital payment upang maiwasan ang transmisyon ng COVID-19

5) Tawagan ang mga numerong ito kung mayroon kayong mga isyung naghahanap ng kasagutan at kung nangangailangan ng technical assistance:

Landline: (02) 8424 2828; Globe: 0977 656 1191 or 0977 656 1192; Smart: 0961 750 7287 or 0961 750 7288;  Sun: 0932 092 9442 or 0931 092 9443 (DSWD/PIA-NCR)

source https://pia.gov.ph/news/articles/1043818

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: