KUWADERNO.COM

Different Genres.

One Name.

One Soul.

One Addicition.

KUWADERNO.COM

Different Genres.

One Name.

One Soul.

One Addicition.

Blog Post

LTFRB Central Office sa QC, sarado Hulyo 13-17 dahil sa banta ng COVID

March 14, 2021 Uncategorized
LTFRB Central Office sa Quezon City (FILE PHOTO)

LUNGSOD CALOOCAN, Hulyo 11 (PIA) –Pansamantalang magsasara ang tanggapan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Central Office  sa Quezon City simula Lunes, ika-13 ng Hulyo, hanggang Biyernes, ika-17 ng Hulyo upang magbigay-daan sa patuloy na masusing disinfection ng mga pasilidad ng ahensya.

Ito ay matapos makumpirmang positibo sa Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) ang limang (5) empleyado nito sa isinagawang RT-PCR swab testing ng Philippine Red Cross, katuwang ang Philippine Coast Guard (PCG), para sa mga tauhan ng ahensya.

“Nangyari po lahat ‘yan habang mahigpit na sinusunod ng ahensya ang mga public safety protocols tulad ng pagsusuot ng face mask, karaniwang paghuhugas ng kamay at paggamit ng alcohol at sanitizer, regular na pag-disinfect ng opisina, at social distancing,” ani LTFRB Chairman Atty. Martin B. Delgra III.

“Dahil sa sitwasyon ngayon sa tanggapan ng LTFRB, at para sa kaligtasan ng mga empleyado, ang aming mga stakeholders, at ng publiko, napagpasya naming itigil muna ang operasyon ng LTFRB Central Office simula sa Lunes. Hindi pinapayagang pumasok sa opisina ang mga tauhan ng ahensya,” anunsyo ni Chairman Delgra.

Inaabisuhan ang publiko na kasabay ng pansamantalang pagsasara ng LTFRB Central Office sa Lunes hanggang Biyernes ng susunod na linggo, ang pagtanggap ng mga dokumento at pagproseso ng mga sumusunod na transaksyon dito ay magkakaroon ng pagkaantala ng tugon:

– 24/7 Public Assistance Complaints Desk 1342

– Inquiries on legal matters

– New Application for CPC

– Application for Extension of Validity

– Petition for Dropping and Substitution of Units

– Petition for Dropping of Units

– Petition for Installation of Advertising Sign

– Application for Consolidation of Cases

– Petition for Change Venue of Registration

– Petition for Adoption of Trade Name

– Petition for Storage of Unit Plate

– Petition for Upgrading/Downgrading of Units

– Petition for Cancellation of Franchise

– Petition for Withdrawal of Application

– Petition for Adoption of Color Scheme

– Application for Change of Party Applicant

– Request for Garage and Unit Inspection

– Surrender of Plates

– Clearance of Account

– Assessment of Fees

– Re- Assessment of Fees

– Releasing of Assessment of fees

– Issuance of Special Permit

– Clearance and Releasing of Impounded Vehicles

Bagamat magiging limitado ang serbisyo ng LTFRB sa susunod na linggo, patuloy pa rin ang pagseserbisyo sa publiko.

Inaanyayahan ang stakeholders na gumamit ng online transactions para sa mga sumusunod:

1. Request for Special Permit;

2. Correction of Typographical Error;

3. Request for Confirmation of Unit/s;

4. Request for Franchise Verification;

5. Request for Issuance or Extension Provisional Authority;

6. Legal Concerns/Query on Hearing Schedule, Status

Mangyari lamang na sundin ang mga instructions na makikita sa link na ito:

https://www.facebook.com/…/p.26284342107…/2628434210731824/…

Binibigyang-diin ng ahensya na ang LTFRB Central Office na matatagpuan sa East Avenue, Quezon City lamang ang pansamantalang isasara hanggang Biyernes, ika-17 ng Hulyo.

Mahirap man ang dinaranas ng tanggapan dahil sa banta ng COVID-19, umaaasa ang LTFRB na babalik din sa normal ang sitwasyon ng ahensya para muling makapagbigay ng tapat at walang humpay na serbisyong totoo sa publiko at stakeholders nito.

“Humihingi kami ng panalangin para sa kalusugan ng aming mga empleyado na may sakit, at katatagan ng loob para malagpasan ang mga pagsubok na dala ng COVID-19,” pakiusap ni Chairman Delgra sa publiko.

Para sa mga apektadong stakeholders, maaari din mag-transact sa pamamagitan ng Public Transport Online Processing System (PTOPS) ng LTFRB-NCR na matatagpuan sa link na ito:

https://ncr-ltfrb.pisopay.com.ph/en

source https://pia.gov.ph/news/articles/1047322

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: