KUWADERNO.COM

Different Genres.

One Name.

One Soul.

One Addicition.

KUWADERNO.COM

Different Genres.

One Name.

One Soul.

One Addicition.

Blog Post

Libreng Sakay, handog ng Pamahalaang Lungsod ng Marikina

March 14, 2021 Uncategorized

PASIG CITY, June 8 (PIA) – Bilang tulong sa mga residente ng Marikina ngayong limitado pa rin ang mga pampublikong sasakyan sa ilalim ng general community quarantine (GCQ), ipinagkaloob ng Pamahalaang Lungsod ng Marikina ang mga libreng sakay. 

Ang mga libreng sakay patungo at pabalik sa mga lugar para sa mga empleyado na taga Marikina ay matatagpuan sa mga sumusunod na lugar: N. Roxas St. Kalumpang (PLMAR) patungong Barangka; Santan, (Petron) Brgy. Fortune patungong I Love Marikina (FP); Brgy. Sto Niño, Concepcion, Tumana, Nangka patungong Freedom Park. Gayundin mula Korea St. Sea Oil Brgy. Nangka patungong Katipunan; C & P Mall, Brgy. Marikina Heights patungong Calderon St. – PNB; Brgy. Hall Marikina Heights patungong Marcos Highway, Sta. Lucia. At mula Balagtas Sea Oil station, Brgy. Fortune patungong LRT Santolan, Buenmar St., Brgy. Nangka patungong Katipunan LRT, at mula Lilac St. (Puregold), Brgy. Concepcion 2 hanggang sa Marcos Highway (footbridge).

Ang mga libreng sakay ng pamahalaang lungsod para sa mga empleyado ay may mga takdang lugar at oras ng biyahe.

 

Samantala, may handog din na libreng sakay ang pamahalaang lungsod para naman sa mga namamalenge sa Marikina Market – mula sa mga takdang lugar at oras sa kanilang barangay patungo sa pamilihan at pabalik sa kani-kanilang mga barangay. (Marikina PIO/PIA-NCR)

source https://pia.gov.ph/news/articles/1044106

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: