KUWADERNO.COM

Different Genres.

One Name.

One Soul.

One Addicition.

KUWADERNO.COM

Different Genres.

One Name.

One Soul.

One Addicition.

Blog Post

LGU Santa Maria nag-abot tulong sa kababayang displaced OFWs

March 14, 2021 Uncategorized

BAY, Laguna, Hulyo 7 (PIA) – Nagpa-abot ng tulong ang lokal na pamahalaan ng Santa Maria para sa ilang displaced Overseas Filipino Workers (OFWs) at sa pamilya ng mga ito sa bayan ng Santa Maria.
 
Hindi nag-atubili ang lokal na pamahalaan ng Santa Maria, sa pangunguna ni Mayor Ma. Rocelle “Cindy” Carolino, na asistahan ang mga 21 OFW na nawalan ng trabaho sa Riyadh at Jeddah, Kingdom of Saudi Arabia (KSA) at nanawagan ng tulong sa pamamagitan ng isang video na ipinadala sa pamahalaang lokal.
 
“Tulong pinansyal at mga pangunahing pangangailangan ang kahilingan (nila) sa
ating pamahalaang bayan sa kadahilanang tigil ang trabaho at walang pasweldo ang employer ng mga OFW,” sinabi ni Mayor Carolino sa Philippine Information Agency Calabarzon.
 
Nagkaloob na aniya ng mga food packs ang pamahalaang lokal ng Santa Maria para sa pamilya ng mga nasabing OFW.
 
Maging ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ay nagbigay na rin ng financial assistance para sa mga ito.
 
Dagdag pa rito, nagpaabot na rin ng tulong pinansyal ang pamahalaang bayan para naman mabigyan at maibili rin ng pangangailangan ng mga naturang OFW na kasalukuyang nasa KSA pa rin.
 
Ayon sa Alkalde, nagpadala na ng representante ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa KSA para alamin ang kalagayan nila at may naghatid rin ng ayuda mula sa Marilag-KSA, isang samahan ng mga boluntaryong OFW sa naturang bansa.
 
“Sa kasalukuyan ay nakikipag-ugnayan na ang ating pamahalaaang bayan sa DFA para sa agarang pagpapauwi ng ating OFW,” saad ni Mayor Carolino.
 
Umaasa umano ang kanilang pamunuan na mapasama ang mga mamayang OFW ng Santa Maria sa KSA sa mga mauunang mapauwi, dahil alam aniya nilang napakaraming mga kababayang Pilipino pa roon ang naghihintay rin na ma-repatriate o mapabalik na sa bansa. (Joy Gabrido/PIA4A)

source https://pia.gov.ph/news/articles/1046847

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: