KUWADERNO.COM

Different Genres.

One Name.

One Soul.

One Addicition.

KUWADERNO.COM

Different Genres.

One Name.

One Soul.

One Addicition.

Blog Post

LGU Kalayaan, IATF tinatangkilik ang produktong agrikultural ng magsasakang lokal

March 14, 2021 Uncategorized

Bay, Laguna, Abril 5 (PIA) – Inumpisahang tangkilikin ng Lokal na Pamahalaan ng Kalayaan ang mga produktong agrikultural ng mga lokal na magsasaka sa bayang ito sa panahon ng Enhanced Community Quarantine o ECQ.

Upang matulungan ang mga magsasaka sa lokalidad at gayundin naman magkaroon ng mabibiling masusustansyang pagkain ang mga mamamayan ng Kalayaan habang sumasailalim sa ECQ dahil sa banta ng Coronavirus Disease o COVID-19, napag-pasyahan ng LGU Kalayaan at Inter-Agency Task Force o IATF against COVID-19 ng bayang ito na bilhin ang mga produktong prutas at gulay ng mga payak na magsasaka rito.

“Personal na binisita ng mga tauhan ng Municipal Agricultural Office ang mga magsasaka at nagkaroon rin ng coordination sa iba’t ibang cooperatives sa Bayan ng Kalayaan.

Sa kasalukuyan ay limitado lamang sa mga magsasaka ng Kalayaan ang pagbili ng mga ani,” paliwanag ni Municipal Local Government Operations Officer o MLGOO Juan Paolo S. Brosas.

Aniya nag-umpisa ang inisyatibong ito nang magkaron ng lockdown sa mga karatig Bayan na sentro ng komersyo tulad ng Pagsanjan at Sta. Cruz.

“The LGU intend to continue this initiative until the lifting of ECQ,” ani MLGOO Brosas ito ay gagawin ng lokal na pamahalaan hanggang sa maitaas na ang ECQ sa Luzon.

Maganda ang naging resulta ng hakbang na ito dahil ayon kay Brosas nagkaroon ng kapanatagan ang mga magsasaka na hindi mabubulok ang kanilang mga ani at ang mga mamamayan naman ay hindi kukulangin sa kanilang pangangailangan.

Maari rin aniyang umorder online ang mga mamamayan sa social media page ng LGU Kalayaan kaya naman siguradong malilimitahan ang pag-galaw ng mga tao at mas bababa ang posibilidad nang paglaganap ng COVID-19.

Ayon naman kay Municipal Agriculturist Liza Yee, ito ay ginawa rin bilang pagtugon sa ibang pangangailangan sa pagkain ng mga barangay lalo na sa panahong di makalabas ang mga ito patungo sa ibang bayan upang mamili dahil sa lockdown.

“Kasama na rin po dito ang pag-stabilize ng mababang presyo ng mga gulay, bigas, itlog at iba pang produkto. Pagtugon rin sa pangangailangan ng ibang ahensya at bayan na nakikipag-ugnayan upang masuportahan ang kanilang pangangailangan sa gulay,” paliwanag ng Municipal Agriculturist.

Kamakailan ay nakapamahagi na aniya ang lokal na pamahalaan ng mga nabili nitong gulay at prutas para sa ilang mamamayan ng bayan ng Kalayaan.

Sinabi naman ni MLGOO Brosas na plano ng lokal na pamahalaan na sa mga lokal na rice farmers na kumuha ng bigas para sa susunod na relief na ipamamahagi nito.

Pakiusap naman ni Brosas sa mga mamamayan, “Sana ay suportahan natin ang mga ganitong hakbang ng pamahalaan para sa ikabubuti ng ating magsasaka at mga mamamayan. Ang COVID-19 ay ating malalabanan sa pagtutulungan ng bawat isa.” (Joy Gabrido)

source https://pia.gov.ph/news/articles/1038127

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: