KUWADERNO.COM

Different Genres.

One Name.

One Soul.

One Addicition.

KUWADERNO.COM

Different Genres.

One Name.

One Soul.

One Addicition.

Blog Post

Lalawigan ng Sorsogon, nananatiling ligtas sa COVID-19 

March 14, 2021 Uncategorized

Sorsogon City, Mayo 7 – Kinumpirma ng Provincial Health Officer ng Sorsogon, Dr. Renato B. Bolo Jr., na wala pang kaso ng coronavirus disease (COVID-19) sa lalawigan ng Sorsogon.

Ayon sa kanya, bukod sa 20 suspected cases na kinakailangan pang sumailalim sa pagsusuri, mayroong 496 na Persons Under Monitoring (PUM) ang buong lalawigan ng Sorsogon na kasalukuyang nasa itinalagang quarantine facility ng LGU.

Nilinaw din ni Bolo na ang mga taong sumailalim sa pagsusuri ay hindi nila maaring ipahayag sa publiko.  Aniya, nananatiling sinusunod nila ang patient confidentiality.

Tiniyak ng opisyal na negatibo ang resulta ng lahat na ipinadalang swab sample sa Bicol Regional Diagnostic and Reference Laboratory (BRDRL) sa Legazpi City.

Dr. Renato B. Bolo Jr., Sorsogon Provincial Health Officer (File photo)

Samantala, ipinahayag din ni Dr. Bolo na hindi gaanong apektado ang mga non-COVID patients sa lalawigan sa planong paglilimita ng pasyente ng Bicol Regional Training and Teaching Hospital (BRTTH) sa Legazpi City.

Ayon sa kanya, mayroong mga espesyalistang doktor ang Sorsogon Provincial Hospital bukod pa sa mga pribadong ospital sa lalawigan ng Sorsogon.

Sinabi din ng opisyal na dahil nga sa limitasyon sa BRTTH, asahan na umano ang pagdagsa at pagkakaroon ng pila sa Sorsogon Provincial Hospital.  Hiling din niya ang kooperasyon ng bawat isa upang malampasan ang krisis na hatid ng COVID-19. (PIA5/Sorsogon/MLA)

source https://pia.gov.ph/news/articles/1041351

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: