KUWADERNO.COM

Different Genres.

One Name.

One Soul.

One Addicition.

KUWADERNO.COM

Different Genres.

One Name.

One Soul.

One Addicition.

Blog Post

Laguna Medical Center nagsagawa ng disinfection dahil sa pasyenteng buntis na positibo sa COVID-19

March 14, 2021 Uncategorized

LUNGSOD NG CALAMBA, Laguna, Mayo 11 (PIA) –Nagsagawa ng pangkalahatang paglilinis at disinfection ng mga pasilidad ng OB-Gynecology at Pediatrics sa Laguna Medical Center (LMC) na matatagpuan sa Sta. Cruz, Laguna simula noong Mayo 8 at nagtapos kaninang madaling araw.
 
Ito ay dahilan sa isang pasyenteng manganganak na natanggap ng OB-Gynecology department ng LMC na hindi nagbigay ng kumpletong medical history at nagkaila ng kahit na anong sintomas ng coronavirus disease (COVID)-19 subalit ay nakakitaan na mayroong ubo.
 
Ayon sa pangasiwaan ng ospital, dahil sa naobsebahang sintomas ng COVID-19, ang nasabing pasyente ay ipinasok sa isolation room at kinalaunan ay lumabas na positibo sa COVID-19.
 
Sa lalong madaling panahon, nagsagawa kaagad ang pamunuan ng LMC ng contract tracing ng lahat ng empleyado at pasyente .
 
Ang bilang naman ng mga pasyenteng tinatanggap sa in-patient services ng mga departamento ng OB-Gynecology at Pediatrics ay pansamantalang nilimitahan upang maayos na maisagawa ang pangkalahatang paglilinis at disinfection ng nabanggit na mga departamento.
 
Sa kabila ng pangyayaring ito, tiniyak ng pangasiwaan ng LMC na ang konsulta sa out-patient services ng mga departamentong nabanggit ay magpapatuloy pa rin.
 
Samantala, sa pamamagitan ng kanyang official FB Page, naglabas naman ng paalala si Laguna Gov. Ramil Hernandez para sa mga Lagunense upang makaiwas na mahawaan ng COVID-19.
 
“Sino mang may karamdaman tulad ng ubo, sipon, o lagnat ay pinapayuhang kumunsulta kaagad sa doktor at magsabi ng katotohanan para na rin sa kaligtasan ng lahat,” pahayag ni Gov. Ramil Hernandez. (CPGonzaga, PIA-4A at ulat mula sa Gov. Ramil Hernandez FB Page)

source https://pia.gov.ph/news/articles/1041504

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: