KUWADERNO.COM

Different Genres.

One Name.

One Soul.

One Addicition.

KUWADERNO.COM

Different Genres.

One Name.

One Soul.

One Addicition.

Blog Post

‘isDA-on-the-go’ door-to-door delivery, inilunsad ng FDA sa NCR

March 14, 2021 Uncategorized

LUNGSOD CALOOCAN, Mayo 5 (PIA) – Upang madali ang pagbili ng isda at iba pang lamang dagat habang nasa enhanced community quarantine ang Metro Manila, inilunsad ng Philippine Fisheries Development Authority (PFDA) ang “isDA-on-the-go” door-to-door delivery.

Ayon kay PFDA general manager Glen Pangapalan maraming supply ng isda sa Metro Manila subalit hirap ang publiko na makabili nito dahil sa ipinaiiral na lockdown dahil sa COVID-19 pandemic.

Upang matugunan ang pangangailangan ng mga mamimili sa mga sariwang isda, isinulong ng FDA “isda-on-the-go” delivery kung saan maaaring magpa-deliver ng isda mula sa mga fish port katulad ng mga daungan sa Malabon at Navotas.

Kinuha ng FDA ang ilang residente ng Malabon at Navotas na nawalan ng trabaho dahil sa lockdown bilang delivery drivers ng “isDA-on-the-go’

Ayon sa PFDA, kinuha nila bilang delivery drivers ang mga nawalan ng trabaho na residente ng Malabon at Navotas dahil sa lockdown.

“Maraming kalalakihan dto sa area ng Navotas at Malabon ang may motorsiklo, kaya sila na tap namin upang mag deliver ‘isDA-on-the-go’ sa buong Metro Manila,” pahayag ni Pangpalan.

Ayon pa sa PFDA manager, irerehistro at dadaan sa training din ang mga rider upang matiyak ang ligtas at maayos na serbisyo at paghahatid ng mga produkto sa publiko.

Sa mga nagnanais magpa deliver ng isda, maaaring umorder online, sa pamamagitan ng pag dial 1525, iplace ang order, matapos iyon ay maaari ng  hintayin ang delivery.

Minimum order ang 3.5 kilo ang minimum order at may P150 na delivery fee na mapupunta sa delivery rider. (PIA-NCR)

source https://pia.gov.ph/news/articles/1040964

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: