KUWADERNO.COM

Different Genres.

One Name.

One Soul.

One Addicition.

KUWADERNO.COM

Different Genres.

One Name.

One Soul.

One Addicition.

Blog Post

Isang barangay sa bayan ng Naguilian, nakasailalim sa lockdown

March 14, 2021 Uncategorized

LUNGSOD NG ILAGAN, Isabela, Hunyo 25 (PIA) – Iniutos ni Naguilian Mayor Juan Capuchino ang pagsailalim sa lockdown ng barangay Bagong Sikat matapos na maitala ang kauna-unahang pasyente na nagpositibo sa COVID-19.

Ang nasabing barangay ay ang lugar kung saan nakatira ang kanyang kababayan na nagpositibo sa COVID-19 na isang Overseas Filipino Worker galing ng Saudi Arabia.

Sinabi ni Capuchino na ang COVID-19 positive patient na dumating sa kanyang bayan ay isang 42 anyos na lalaki at dumating sa Pilipinas mula Saudi Arabia noong ika-11 ng Hunyocat nakauwi sa bayan ng Naguilian noong ika-15 ng Hunyo lulan ng bus na inarkila ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA).

Dagdag pa ng alkalde na unang nagnegatibo sa COVID-19 test ang OFW ng dumating sa bayan kaya isinailalim lamang siya sa home quarantine ngunit nang malaman ng pamahalaang lokal ng Naguilian na nagpositibo sa COVID-19 ang isa sa mga nakasabayan nito na OFW sa OWWA bus ay dinala siya sa isolation facility at muling sumailalim sa swab test kung saan nalaman na positibo siya sa COVID-19.

Sa kasalukuyan ay wala siyang nararamdamang sintomas o asymptomatic.

Sa ngayon ay patuloy pa rin ang contact tracing ng DOH, DILG, PNP, pamahalaang panlalawigan at ng bayan ng Naguilian sa iba pang posibleng nakasalamuha ng nasabing pasyente. (MDCT/MGE/PIA 2-Isabela)

 

 

source https://pia.gov.ph/news/articles/1045783

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: