KUWADERNO.COM

Different Genres.

One Name.

One Soul.

One Addicition.

KUWADERNO.COM

Different Genres.

One Name.

One Soul.

One Addicition.

Blog Post

Higit na pag iingat laban sa COVID-19, paalala ng Pasig LGU sa mga residente

March 14, 2021 Uncategorized

LUNGSOD PASIG, Hunyo 4 (PIA) — Patuloy na mag-ingat laban sa sakit na COVID-19, kahit pa nasa ilalim na ng general community quarantine (GCQ) ang Metro Manila, paalala ng Pamahalaang Lungsod ng Pasig sa mga residente.

“Iwasan ang paghawak sa mukha, sa mata, ilong at bibig, lalo na kung nasa labas at hindi pa nakakapaghugas o sanitize ng mga kamay at higit sa lahat, ugaliin ang paghuhugas ng mga kamay,” mga payong binigyang diin ng pamahalaan.

“Huwag kalimutan ang pagsuot ng face mask. Kung lalabas naman, siguraduhin na panatilihin ang physical o social distancing at umiwas sa matataong lugar,” dagdag pa nito.

Nananawagan si Pasig City Mayor Vico Sotto sa mga residente ng lungsod na kung maaari, ay manatili lamang sa mga tahanan liban na lamang sa mahahalagang pagbiyahe gaya ng pagpasok sa trabaho, pagbili ng mga essential goods at health emergency cases at maging maingat sa lahat ng oras, upang maiwasan ang pagkalat o pagkahawa ng COVID-19. (Pasig PIO/PIA-NCR)

source https://pia.gov.ph/news/articles/1043797

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: