KUWADERNO.COM

Different Genres.

One Name.

One Soul.

One Addicition.

KUWADERNO.COM

Different Genres.

One Name.

One Soul.

One Addicition.

Blog Post

Higit na pag gabay sa kabataan sa panahon ng quarantine, payo ng POPCOM-NCR sa mga magulang

March 14, 2021 Uncategorized

LUNGSOD PASIG, Hunyo 4 (PIA) –Dahil sa pinaiiral na community quarantine bunsod ng pandemya ng corovirus disease, maraming kabataan ang ginugugol ang kanila panahon sa pag gamit ng internet.

Dahil dito, may mga pagkakataon na  nae-expose sa online pornography at maaari din silang maging biktima ng online violence, risky online behaviors, cyberbullying, at iba pa.

Dahil dito, nagpayo ng Commission on Population and Development (POPCOM-NCR) sa mga magulang na higit na gabayan ng kanilang mga anak sa mga aktbidad na pinagkakaabalahan ng mga ito lalo na sa panahong naka quarantine ang komunidad.

Ilan sa mga tips na maaaring gawin ng mga magulang ay ang pag-limita sa mga bata sa paggamit ng gadgets.

Naaayon din na samahan ng mga magulang ang kanilang anak habang gamit ang computer o cellphone.

Payo rin ng POPCOM-NCR sa mga magulang na siguraduhing akma sa edad at kanilang pag-unlad ang pinapanood at binabasa.

Mahalaga rin na protektahan ang mga bata sa pang-aabuso na maaaring maranasan online.

Paalala ng ahensiya na higit na mahalaga na pag gabay, ang pagtuturo ng mga wasto may quarantine man o wala. (POPCOM NCR/PIA-NCR)

source https://pia.gov.ph/news/articles/1043800

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: