KUWADERNO.COM

Different Genres.

One Name.

One Soul.

One Addicition.

KUWADERNO.COM

Different Genres.

One Name.

One Soul.

One Addicition.

Blog Post

Gob. Mamba sa mga LGU: Aprubahan ang mga aplikasyon sa ‘Balik Cagayan’ program

March 14, 2021 Uncategorized

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, May 26 (PIA) – – Hinimok ni Gobernador Manuel Mamba ang mga lokal na ehekutibo sa bawat bayan na bigyang pansin ang mga aplikasyon ng mga kababayan nilang humiling ng pahintulot para makabalik sa probinsiya sa ilalim ng “Balik Cagayan” program.

Ayon sa gobernador mahigit isang libo na ang nag-apply online subalit tatlumpu’t isa pa lamang ang nabigyan ng permiso para makakuha ng border pass para makabalik sa kani-kanilang mga bayan.

Una nang inanunsiyo ng gobernador na sa ilalim ng nasabing programa, kailangang mag-apply online ang lahat ng mga locally stranded individual upang mabigyan ng “border pass” at mai-coordinate ang kanilang pagbalik sa kani-kanilang mga bayan.

Subalit bago mabigyan ng pass ang mga ito ay kailangan munang magbigay ng pahintulot ang mga punong bayan kung saan sila uuwi.

Ayon Gob. Mamba rason umano ng karamihang mga mayor ay hindi pa handa ang kanilang mga quarantine facility para tanggapin ang mga magbabalik bayang mga Cagayano.

“Kailangan na nating tulungan ang mga ito dahil nagugutom na sila sa kanilang kinaroroonang mga lugar,” pahayag ni Mamba.

Inihayag pa ng punong lalawigan na may mga magbabalik probinsiya na may sariling sasakyan kaya’t pwede na silang gawing prayoridad para makauwi na.

Aniya para naman sa mga walang sasakyan ay pwedeng gamitin ang mga pondong ibinaba para sa COVID-19 para masundo ang mga ito.

Ipinaalala rin ng gobernador na may mga pondo ang bawat lokal na pamahalaan na pwedeng gamitin para sa mga kailangan sa “Balik Cagayan” program. (OTB/PIA-Cagayan)

source https://pia.gov.ph/news/articles/1042859

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: