KUWADERNO.COM

Different Genres.

One Name.

One Soul.

One Addicition.

KUWADERNO.COM

Different Genres.

One Name.

One Soul.

One Addicition.

Blog Post

Freedom of Information Act, mahalagang maipasa–Ablan

March 14, 2021 Uncategorized

LUNGSOD CALOOCAN , Hulyo 19 (PIA) — Muling binigyang-diin ni FOI Philippines Program Director at PCOO Assistant Secretary Kris Ablan ang kahalagahan ng pagpasa ng batas na Freedom of Information upang mabigyan ng kapangyarihan ang mga mamamayan na makilahok sa gobyerno sa pamamagitan ng paghingi ng impormasyong pampubliko.

“Mahalaga na maipasa sa lalong madaling panahon ang FOI law upang lubos na mabigyan ng kapangyarihan ang ating mga mamamayan na makilahok sa gobyerno sa pamamagitan ng paghiling ng impormasyon at upang maging mas bukas pa ang ating burukrasya,” ani Ablan.

Layunin ng panukalng batas na bigyan ng karapatan ang bawat mamamayan na humingi ng mga impormasyon sa gobyerno, kabilang ang mga transaksiyon na pinasok nito.

Umaasa si Ablan na sa pamamagitan ng batas ay pahihintulutan na rin ng dalawa pang sangay ng pamahalaan – ang Legislative at Judiciary – ang “unfettered public access” sa mga impormasyon sa kanilang gawain, maliban sa ilang restrictions at regulasyon sa hindi pangkaraniwang pagkakataon.

Magugunita na noong Hulyo 23, 2016 ay nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang Executive Order No. 2, o “Operationalizing in the Executive Branch of the People’s Constitutional Right to Information and the State Policies to Full Public Disclosure and Transparency in the Public Service and Providing Guidelines Therefore” na nag-uutos sa Executive branch ng pamahalaan na bigyan ng karapatan ang mamamayan na makakuha ng impormasyon at mabuksan ang mga libro para sa transparency sa public service.

Saklaw ng naturang executive order ang lahat ng ahensiya at tanggapan ng pamahalaan, maliban sa legislative, judiciary branch ng gobyerno.

Pagkatapos nito, itinaguyod din ng Presidential Communications Operations Office (PCOO) sa parehong taon ang “eFOI” website kung saan makukuha online ang impormasyon sa gobyerno.

Sa kasalukuyan ay maaaring makikita ang mga government agencies na mayroon nang eFOI sa pamamagitan ng government website na www.FOI.gov.ph.

Gayunman, exempted sa eFOI ang impormasyong saklaw ng executive privilege gaya ng usapin sa national security, defense at international relations, impormasyon sa law enforcement at protection of public and personal safety at mga impormasyong may kinalaman sa proteksyon ng privacy ng ilang indibidwal gaya ng mga menor-de-edad, biktima ng mga karahasan at maging ang mga akusado.

Hindi rin saklaw ng eFOI ang impormasyon, dokumento o records na confidential; prejudicial, premature disclosure; records ng proceedings o impormasyon mula sa proceedings na itinuturing na confidential o privileged; mga confidential sa ilalim ng batas ng banking and finance at iba pang bawal isapubliko batay sa mga jurisprudence o nadesisyunan na ng korte. (PIA NCR)

source https://pia.gov.ph/news/articles/1047963

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: