KUWADERNO.COM

Different Genres.

One Name.

One Soul.

One Addicition.

KUWADERNO.COM

Different Genres.

One Name.

One Soul.

One Addicition.

Blog Post

Esperon: Pagiging aktibista, hindi labag sa Anti-Terror law

March 14, 2021 Uncategorized

LUNGSOD CALOOCAN, July 5 (PIA) — Tahasang inihayag kahapon ni National Security Adviser Secretary Hermogenes Esperon Jr. na taliwas sa ikinakalat na impormasyon ng ilang grupo, hindi ipinagbabawal sa Anti-Terrorism Law of 2020 ang pagiging aktibista.

Sa Laging Handa public briefing, sinabi ni Esperon na mahalagang basahin muna ang mga probisyon ng bagong batas bago magbuo ng mga walang basehang konkulsyon.

Binasa ni Esperon ang Section 4 ng Republic Act 11479, na nagsasaad kung ano ang ibig sabihin ng salitang “terrorism” na, “shall not include advocacy, protest, dissent, stoppage of work, industrial or mass action, and other similar exercises of civil and political rights.”

“Ngunit kung nabasa lang sana nila, dahil meron akong palagay na hindi nila binabasa itong provisions ng Anti Terrorism Law,” aniya.

Wala aniyang dapat ikabahala ang sinuman na hindi gagawa ng kaguluhan o paglabag sa seguridad ng bansa.

“Ngayon kung sino ang nagsasabing ito ay para sa kanila at tahimik naman sila, huwag silang mabahala,” ani Esperon, na iginiit na isa rin siyang aktibista noon.

“Ngunit kung ang pakay mo sa pagiging aktibista ay magsaad ng iyong mga hinaing, social injustices or request for better treatment or ideas, papayagan natin ‘yan,” aniya.

“Sa totoo lang bibigyan pa natin sila ng kaukulang proteksyon para makapaghayag sila sa matahimik na pamamaraan ng kanilang mga hinaing. Hindi sila covered ng Anti-Terrorism Law na ito,” dagdag pa ng opisyal.

“Ano ang ikinakatakot nila? Itong ating law-abiding citizens ay wala dapat ikatakot dahil itong Anti-Terrorism Law ay para sa kapakanan at para sa seguridad… ito ay ginawa para labanan natin ang terorismo,” giit ni Esperon.

May mensahe rin siya sa ilang opposition senators na nagkukwestiyon sa constitutionality ng bagong batas, “Sa pag-question nila sa Anti-Terrorism Law sa Supreme Court ay karapatan nila, hindi natin pipigilan ‘yan, we’ll even encourage them.” (PIA NCR)

source https://pia.gov.ph/news/articles/1046703

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: