KUWADERNO.COM

Different Genres.

One Name.

One Soul.

One Addicition.

KUWADERNO.COM

Different Genres.

One Name.

One Soul.

One Addicition.

Blog Post

Educational subsidy, alok sa mga estudyanteng Manilenyo

March 14, 2021 Uncategorized

LUNGSOD CALOOCAN, Hulyo 19 (PIA) –Nagkaroon ng kasunduan ang National Teachers College at Manila Youth Bureau (MYB) upang magbigay ng Educational Subsidy para sa mga estudyanteng Manilenyo sa pamamagitan ng Tertiary Education Subsidy ng Commission on Higher Education.

Ayon sa MYB ang subsidy ay maaaring i-apply ng mga estudyante na ang pamilya ay kabilang sa Listahan 2.0 ng Department of Social Welfare and Development.

“Ang programang ay naglalayong magbigay ng Educational Subsidy para sa mga estudyante ng Maynila na nabibilang sa Indigent Families ng Lungsod,” pahayag ng MYB.

Ayon pa sa MYB, maaaring mag apply ang  mga estudyanteng kasalukuyang naka-enroll sa National Teachers College.

“Para naman sa mga incoming freshmen, sila ay maaaring mag-enroll sa NTC at magbayad ng Php 500.00 bilang downpayment,” pahayag ng MYB.

Ang mga grantees ng Educational Subsidy ay makakatanggap ng subsidy na magco-cover sa tuition fee ng isang semestre.

Para sa mga iba pang katanungan, maaaring makipag-ugnayan sa NTC Scholarships Office sa kanilang FB page (https://www.facebook.com/NTCScholarshipsOffice/), o kaya ay magtext sa 09165620606. (PIO Manila/PIA-NCR)

source https://pia.gov.ph/news/articles/1048006

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: