KUWADERNO.COM

Different Genres.

One Name.

One Soul.

One Addicition.

KUWADERNO.COM

Different Genres.

One Name.

One Soul.

One Addicition.

Blog Post

Duque, nag inspeksiyon sa Manila Infectious Disease Control Center, Sta. Ana Hospital

March 14, 2021 Uncategorized
Si DOH Sec. Francisco Duque III, habang kausap si Manilla Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso sa pagbisita ng Kalihim sa Sta. Ana Hospital noong Biyernes, Mayo 1. (Larawan mula sa Manila PIO)

LUNGSOD CALOOCAN, Mayo 3 (PIA) — Bumisita at nag inspeksyon sa Sta. Ana Hospital at Manila Infectious Disease Control Center (MIDCC) si Kalihim Francisco Duque III ng Department of Heath noong Biyernes, Mayo 1.

Nagpahayag ng suporta at nagpasalamat si Duque sa pamunuan at mga kawani ng ospital gayundin sa Pamahalaang Lungsod ng Maynila.

“Sa ngalan ng Kagawaran ng Kalusugan, ako’y nagpapasalamat sa inyo  sa napakahalaga ninyong pagsisikap upang maseguro ang kalidad ng hospital care ay nagunguna sa inyong prayoridad,” pahayag ni Duque sa kanyang pagbisita.

Kabilang rin sa mga dumalo sa  inspeksyon sina Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso, Vice Mayor Maria Sheilah “Honey” Lacuna-Pangan at Manila Health Department (MHD) Health Officer Dr. Arnold Pangan.

Ibinalita rin ng alkalde ang Ordinance no. 8639 o mas kilala bilang Bagong Bayani Endowment Benefit Ordinance of 2020 na naglalaan ng P1 milyong benepisyo para sa pamilya ng mga health workers na binawian ng buhay dulot ng COVID-19.

“Kahapon, napirmahan ko na ang bagong batas kung saan gusto kong lagyan ng laman ang mga salita, na when we say ‘Thank you’, ‘We love you’—we put action to those words. Ang siyudad ng Maynila ay nag-allot ng P1 milyon sa bawat pamilya ninyong maiiwan,” paliwanag ni Domagoso.

Pinaalalahanan din ni Domagoso ang mga frontliners na hangga’t maaari ay manatiling ligtas at mag-ingat dahil kailangan ng Lungsod ang kanilang serbisyo sa gitna ng krisis na dulot ng COVID-19.

“I know that it’s dangerous at wala kayong kasiguruhan but please take care. I need you to be healthy, to be safe because the people of Manila need you, we need you. Wala sana sa inyo ang magkamit ng P1 milyon,” paalala ng alkalde.(Manila PIO/PIA-NCR)

source https://pia.gov.ph/news/articles/1040790

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: