KUWADERNO.COM

Different Genres.

One Name.

One Soul.

One Addicition.

KUWADERNO.COM

Different Genres.

One Name.

One Soul.

One Addicition.

Blog Post

DSWD: Kapamilya, maaaring kumatawan sa senior citizens at PWDs sa pagkuha ng ayuda sa SAP

March 14, 2021 Uncategorized

LUNGSOD CALOOCAN, Mayo 7 (PIA) – Maaaring kumatawan ang kapamilya sa senior citizen o persons with disability (PWDs) sa pagkuha ng ayuda sa ilalim ng Social melioration Program (SAP), diin ng Department of Socal welfare & Development (DSWD).Inulit ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Ang pagdidiin ay ginawa ng Kagawaran bunsod ng mga ulat ng ilang senior ang namatay dahil sa pagpila sa gitna ng matinding araw para makuha lamang ang  kanilang subsidiya.

Ipinaabot naman ng Kagawaran ang kanilang simpatiya sa mga namatayan at pangakong karampatang tulong.

Nananawagan din  ang DSWD sa mga lokal na pamahalaan na maglagay ng standby ambulance na may kasamang paramedics at mga gamot sa mga lugar ng payout. 

Kanila ring ipinaaala  ang mahigpit na pagpasunod ng social distancing sa mga lugar ng pamamahagi upang maseguro ang kaligtasan ng mga benipisyado.

Inirerekomenda din ng Ahensiya sa mga lokal na pamahalaan na door-to-door delivery ang gawing pamamahagi lalo na sa mga pamilya ng senior citizen at  ng mga PWDs upang mapangalagaan ang kanilang kalusugan sa panganib ng COVID-19.

Sa ilalim ng protocol na itinakda ng Inter Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) sa Omnibus Guidelines on the Implementation of Community Quarantine in the Philippines, ang mga taong wala pang 21 taong gulang at yaong lagpas  60 taong gulang kasama rin ang mga buntis at yaong may mga taglay na sakit ay nararapat manatili lamang sa kanikanilang bahay.

Sila a nabibilang sa mga bulnerableng sector na madaling kapitan ng anumang sakit

Nananawagan din  ang DSWD sa publiko na palagiang sundin ang payo  ng mga lokal na otoridad sa mahigpit na pagsunod ng community quarantine protocols  sa social distancing, pagsuot ng face masks, palagiang tamang paghuhugas ng kamay upang mapropteksunan ang kanilang pamilya sa COVID-19. (DSWD/PIA-NCR)

 

source https://pia.gov.ph/news/articles/1041209

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: