KUWADERNO.COM

Different Genres.

One Name.

One Soul.

One Addicition.

KUWADERNO.COM

Different Genres.

One Name.

One Soul.

One Addicition.

Blog Post

DOTr, sisiguraduhing ligtas ang bike lane sa EDSA

March 14, 2021 Uncategorized


LUNGSOD PASIG,  Hunyo 19 (PIA) – Sisiguruhin ng Department of Transportation (DOTr) na ligtas ang bike lane sa kahabaan ng EDSA para sa mga magnanais gumamit ng bisikleta bilang alternatibong transportasyon bilang bahagi ng tinatawag na ‘new normal’.

Sa programang Laging Handa Public Briefing nitong Huwebes, sinabi ni DOTR Road Sector Senior Consultant Engr. Bert Suansing na sisiguraduhin nilang ligtas ang bike lane sa EDSA.

Sisiguruhin nating ligtas para sa mga nagbibisekleta yung pagdaan nila sa EDSA,” ani Suansing.  

Ayon kay Suansing, lalagyan nila ng guard rails ang naturang bike lane upang maiwasan ang pagdaan ng mga sasakyan sa naturang lane.

“Para masigurong hindi mag e-encroach yung ibang sasakyan dun sa bike lane, lalagyan natin yan ng fenders o yung guard rails para masigurong safe para sa mga nagbibisekleta ang bike lane.”   

Idinagdag pa ni Suansing na ang lane na inilaan para sa mga nagbibisekleta ay ang isang lane na binakante na dating daanan ng mga bus. Sa ngayon, ang bus lane sa kahabaan ng EDSA ay inilipat sa inner most lane katabi ng MRT line.

Ang DOTr ay nakikipag-ugnayan sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), iba pang mga ahensya ng pamahalaan, maging mga lokal na pamahalaan para sa pagsasaayos ng bike lane sa EDSA. (PIA-NCR)

source https://pia.gov.ph/news/articles/1045203

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: