KUWADERNO.COM

Different Genres.

One Name.

One Soul.

One Addicition.

KUWADERNO.COM

Different Genres.

One Name.

One Soul.

One Addicition.

Blog Post

DOH: Wala nang COVID-19 positive case sa Cagayan Valley 

March 14, 2021 Uncategorized

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, May 11 (PIA) – – Nag-negatibo na sa kanilang swab re-tests ang dalawang pinakahuling pasyente na kumpirmadong nahawaan ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19) sa Lambak Cagayan.

Dahil dito ay wala nang confirmed positive case sa rehiyon. Umabot sa 34 ang bilang ng mga kumpirmadong kaso at 33 na sa mga ito ang nag-negatibo na kanilang swab tests at isa lamang ang nasawi.

Ayon kay Sharmaine Barangan ng Department of Health – Regional Epidemiology Surveillance Unit (DOH-RESU) 259 naman ang dumating na mga laboratory results kahapon kung saan ang lahat ay negatibo sa COVID-19.

Dalangin ni Barangan na wala nang maidadagdag pa sa mga kumpirmadong kaso sa rehiyon.

Samantala, inihayag naman ni Dr. Glenn Matthew Baggao, hepe ng Cagayan Valley Medical Center (CVMC), na labimpito na lamang ang nalalabi sa mga suspected case na naka-admit sa nasabing ospital at wala nang probable cases.

Aniya nawa ay mabilis ang pagdating ng mga resulta lalo na kung negatibo ang mga ito upang agad na ma-discharge ang mga suspected case dahil halos lahat ay asymptomatic o wala nang nararamdamang sintomas.

Naniniwala si Baggao na mas delikado sa mga pasyente kung nagtatagal sila sa ospital dahil mas lalo silang exposed sa iba’t-ibang klase ng sakit. (MDCT/OTB/PIA 2-Cagayan)

source https://pia.gov.ph/news/articles/1041724

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: